“At sinong nagbigay sa inyo ng pahintulot na tumira sa pamamahay ko?” nanlilisik ang mga mata at nanggagalaiti sa galit na hinarap ni Deyanira ang step mother nang makapasok siya sa kanyang sariling pamamahay. Nakita niya itong nanonood ng tv habang nakataas ang mga paa sa center table ng sala. Katatapos lang ng libing ng batang si Buknoy noong hapong iyon. It was a week after nang mamatay ito. Nagpasya siyang hintayin muna matapos ang pag-aasikaso sa burol ng bata pati na ang pagpapalibing nito bago niya sugurin ang kinakasama ng ama na siyang nagpalayas sa tatlong bata. Nagulat na napamaang lang si Aling Marieta nang makita si Yani doon. Paanong hindi makakapasok ang dalaga ay iniwan nitong bukas ang gate, pati na ang pintuan ng apartment ng dalaga. Samantala, inilibot ni Yani an

