Gumising siya isang umaga na masama ang pakiramdam. Hindi pa man niya naibubuka ang mga mata ay naramdaman na niya ang pananakit ng ulo. Mariing minasahe niya iyon ng mga daliri nang ilang minuto pa ay tila bumaligtad ang kanyang sikmura. Mabilis siyang napatayo at agad na pumunta sa loob ng banyo. Doon ay paulit ulit siyang nagdududuwal na hindi niya maintindihan kung bakit puro malalagkit lang na laway ang lumalabas mula sa kanyang bibig. Napabalikwas ng gising si Copper nang marinig ang pagsusukang iyon ni Yani. Tumayo ito at isinuot ang bathrobe na nasa loob ng closet bago dali daling pinuntahan ang dalaga. “What’s happening, baby? Are you okay?” buong pag-aalalang tanong nito sa kasintahan habang hinahagod pa ang likod nito. Hindi naman nakasagot si Yani sa patuloy na pagdududuwa

