Pinunasan ni Copper ng table napkin ang palibot ng bibig, nalagyan kasi iyon ng konting sauce ng kinakaing karekare. Pagkatapos ibalik sa lap nito ang table napkin ay sinulyapan ang kasintahan. Medyo kinabahan ito sa tanong ng babae ngunit hindi naman nagpahalata. “Anong planta?” tanong nito. Nilunok muna rin ni Yani ang kinakain bago nagsalita. “Kanina kasi narinig ko habang may kausap ka sa telepono na may pupuntahan kayong planta? Pwede ko bang malaman kung anong klaseng planta iyon?” “Ah, iyon ba?” anito trying to keep his composure. “Actually hindi ko rin alam. Hindi kasi ako natuloy doon kanina,” saad nito which is totoo naman. They need to cancel the plan na pagpunta sa planta dahil nabalitaang hindi rin natuloy ang taong inaasahan ng mga itong makikita doon. “Oh, so kaya ba nap

