Mula sa bukas na isa pang pintuan ng kubong iyon na tinatakpan lamang ng puting kurtina ay tinalon ni Copper ang may 15 feet din na taas ng villa mula sa kinatitirikan nitong lupa. Iyon ang nagsisilbing lagusan ng villa pababa sa kawayang hagdanan papunta sa pinaka-pampang ng dagat ng resort. Karga sa mga braso si Deyanira na namimilipit pa rin sa sakit ng tiyan ay walang pag-aalinlangan na nilukso iyon ng binata upang hindi sila maabutan ng pagsabog ng bomba. Pagbagsak nila sa buhanginan ay tsaka nito nabitawan ang dalaga. Sabay silang napaupo doon ngunit mabilis din siyang kumilos para isangga ang katawan mula sa mga nagbabagsakang pirapirasong parte ng kubo na tatama kay Yani. Pinagmasdan niya ang babae at hindi pa rin maipinta ang mukha nito sa inindang sakit sa tiyan. Nang ibaling niy

