“Ano ba talaga ang dahilan at nagparamdam ka pa?” tanong ng lalaki dito habang masama ang pagkakatitig sa dating kasintahan.. “Isa lang naman ang dahilan, Copper. I want you back, sweetheart,” tinitigan nito ang mga mata ng lalaki. “You want me back? Hindi mo rin ba itatanong sa akin kung gusto ko ring bumalik sa buhay mo?” dirediretsong patutsada nito. “Matagal na tayong wala Jaifel. May mahal na akong iba!” dugtong pa nito na wala nang pakealam kung masaktan ang babae. Napairap si Yani mula sa narinig sa binata. Sino pa ba ang tinutukoy nito eh siya lang naman. Ngunit hindi na siya naniniwala sa mga pinagsasabi ng lalaki, specially sa kasasabi lang nito na mahal daw siya nito. Sigurado siyang isa na naman iyong malaking kasinungalingan. “Oh, please Copper. Kung ganyan rin lang na k

