It was five years ago. “Anong ginagawa mo? I told you tigilan mo na ‘yan, ‘di ba!?” inagaw ni Copper ang makintab na bagay na nasa kamay ng babae nang makita na nagpa-pot session ulit ito mag-isa. Singhot nito ang bawat usok na nililikha ng tila nilulutong puting powder na iyon sa foil na hawak hawak sa ibabaw ng apoy ng maliit na lampara. “Sweetheart naman eh, last na ito,” reklamo ng babae na nakasuot lang ng panty at bra. Kasalukuyan itong nakasalampak sa sahig ng sarili nitong kuwarto at nakaharap sa mababang lamesa. “Hindi nakakabuti sa iyo ‘yan. Look at yourself! You are addicted already! Sabi ko naman sa iyo, itapon mo na ‘yan,” kinuha ng binata ang lahat ng parapernalya na gamit nito sa paghihit ng shabu at inilagay sa basurahan. Isinunod din nito ang isang malaking pakete n

