Tila namilog ang mga mata niya nang makita ang kasintahang si Yani na nandoon din sa dinaluhang event. Kaagad siyang kinabahan. Hindi sa baka makita siya ng babae at tuluyan nang malaman nito na parte siya ng grupo ng mga Mafia kung hindi baka this time ay ikapahamak na iyon ng dalaga. Kung bakit ba kasi hindi na lang nito sinunod ang kagustuhan niya na magpalipat na lang ito ng field. Mas mababawasan sana ang pag-aalala at isipin niya. Ngunit sandaling napalitan ang nararamdaman niyang iyon ng kung anong pagnanasa para sa kasintahan. Paano’y mariin siyang napatulala sa mapang-akit na ayos nito. Halos lumuwa na nga ang kanyang mga mata sa uri ng suot nito noong gabing iyon. Mula ulo hanggang paa ay patuloy niyang tinitigan ang kasintahan. So, ito pala ang serbidorang pinagkatuwaan nila k

