Okada, Manila. Ilang araw ang lumipas at dumating ang anibersaryo ng isa sa pinakamalaking organisasyon sa buong mundo na kinabibilangan ng mga lider ng Mafia. Maraming malalaking personalidad na nanggaling pa sa ibang bansa ang mga inaasahang dumating. Sa gabing iyon, kabilang sa mga inimbitahan ang ilang sikat na mga performers para pasayahin ang halos nasa dalawang daang bilang ng mga taong dadalo na karamihan ay mga kalalakihan. For the first time sa history ng Mafia celebrations, ipinagbawal muna ng mga nag-organisa ng pagdiriwang na iyon na magdala ang mga ito ng mga kapareha dahil may konting pasorpresa ang mga ito para sa lahat . Sa isang deluxe room sa nasabing hotel sa Maynila inilagak ang sampung napiling miyembro ng CIDG para paghandaan ang pag-a-undercover sa nasabing o

