Writers note: Ang mga eksena sa kabanatang ito ay hindi angkop sa mambabasa na may edad 18 pababa. Mature scenes ahead. Dahan dahan ang ginawa niyang paglalakad papunta sa tila himbing na sa pagtulog na lalaki. Balak niya sanang gisingin ito para kausapin at makipagbati ngunit kung ayaw naman nito ay hindi niya rin ito pipilitin. Basta ginawa niya ang part niya at sinubukang amuin ito, para sa kanya ay okay na iyon. Baka sa ginawang iyon ay dalawin na siya ng antok at tuluyang makatulog. Nang makalapit na siya kay Copper ay pinakatitigan niya muna ang lalaki. Awa ang naramdaman niya rito sa nakita nitong ayos na nakahalukipkip lang at ang tuwalyang dinalang panapis sa katawan pagkatapos maligo ay ang siyang tanging ginamit nito na pang-kumot. Dahan dahan siyang umupo sa sahig at umuro

