Halos umusok ang ilong ni Copper sa galit na sa ganitong oras ng gabi ay makita si Deyanira na nasa loob ng isang mamahaling restaurant, kasalo kumain ang isang lalaki na hinuha nito ay katrabaho ng dalaga dahil sa parehas ang unipormeng suot ng mga ito. Walang pag-aatubili na mabibilis ang paghakbang ng mga paa na tinungo nito ang kinalalagyan ng dalawa. Sa kabila ng medyo may karamihan ang mga taong nandoon ay wala itong pakialam kung may masangga man sa daraanan, basta diretso ang tingin nito sa direksyon ng babae pagkapasok na pagkapasok sa restaurant. Abala sa pakikipag-usap si Yani nang madaplisan nito ng tingin ang isang lalaking papalapit. Napatulala siya nang makilala si Copper at makita ang madilim na mukha nito na papalapit sa kanya. Biglang bumilis ang pagtibok ng kanyang

