“Yani, I heard na ikaw pala ang isa sa mga pulis na nagligtas kay Emerald dati?” tanong ni Gold sa dalaga habang busy na sila sa pagkain sa harap ng hapagkainan. Ipinukol nito ang makahulugang tingin sa kapatid na siyang katabi ng babae, si Copper. Tinitigan nito ang kapatid as if binibigyan ito ng babala na out of all the people na pagsisinungalingan tungkol sa maraming bagay ay ang kasintahan pa nitong isa pa palang pulis. Wala namang kaimik imik si Copper na itinungga ang huling likido ng tubig sa nasa basong kaharap nito. “Malaki pala ang utang na loob ko sa iyo. Hayaan mo at darating ang araw na makakabawi rin ako sa ibinigay mong serbisyo sa pamilya ko,” banggit ulit ni Gold. “Ay, wala po iyon. Ginagawa ko lang po ang trabahong iniatang sa akin,” ngiti ni Yani sa boss kuno ng

