Ipinikit niya ang mga mata at itinaas ang basang mukha, itinutok iyon sa maligamgam na tubig na lumalabas mula sa shower head na nakakabit sa dingding habang naliligo sa loob ng kanyang banyo. One of her stress reliever ay ang magbabad sa tubig habang naliligo.
Ilang sandali pa pagkatapos sabunin at banlawan ang sarili sa pangatlong beses ay pinihit niya na pakanan ang knob ng shower para patayin. Inabot ang puting tuwalya na nakasampay lang din sa de salamin na partisyon ng shower room at gamit iyon ay marahang pinunasan ang buong katawan. Nang medyo tuyo na ang parte ng pang-itaas na katawan ay humakbang siya palabas mula roon at pumaharap sa half body size na malaking salamin sa ibabaw ng lababo ng banyo. She smirked at herself nang pagmasdan ang kahubaran. Pinuri niya ang sarili sa nakikitang magandang imahe mula roon.
She always reminds herself na kaakit akit siya at kaibig-ibig. Minsan na kasi niyang kinasuklaman ang sarili noon dahil sa pagkawala ng mga kinagisnang magulang. May mga hindi kanais nais na ginawa siya sa sarili dati. She cut her hair off na super ikli na halos hindi na siya nakilala ng mga kaibigan, she also deprived herself sa pamamagitan ng hindi pagkain ng ilang araw. Muntik na rin siyang magpakamatay dati sa pag-inom ng maraming sleeping pills, pero noong natauhan siya sa pinaggagawa sa sarili ay ipinangako niya na hindi na mauulit ang mga iyon. She learned to love herself and respect it more. At ang mga tattoo sa katawan ang palaging nagpapaalala sa kanya na maging matatag at matapang palagi sa buhay.
Pinagmasdan niya ang nasilayang tattoo sa tagiliran ng kanyang katawan. Sa bandang kaliwang ribs banda sa kanyang dibdib na natatakpan ng braso, nakasulat doon pahalang ang salitang ‘Trust Your Struggle’. Para iyon sa mga paghihirap at pagpapakasakit na napagdaanan sa buhay. Pumatalikod siya at habang pinapatuyo ang buhok gamit ang tuwalya ay tiningnan ang likuran ng leeg, sa may batok, doon naka-drawing ang litrato ng yinyang, na ang ibig sabihin ay ang pagbalanse ng mga maling desisyon niya noon sa tamang landas na tinatahak ngayon. Pagkatapos maalis ang excess na tubig sa buhok ay dinala naman ang tuwalya sa kanyang legs pababa sa binti patungo sa kanyang paanan. Sa gilid ng kanyang ankle ay nakaguhit ang isang feather, it symbolizes trust, honor, wisdom, power, strength and freedom. Ipinalagay niya iyon nang matauhan at ma-realize na kahit ilang beses iwan ng mga mahal sa buhay ay palagi pa rin itatatak sa isipan na she is still worthy despite everything. Na darating ang panahon na may tao pa rin na mag-stay sa kanyang tabi at hindi na siya iiwan kailanman.
Sinimulan niyang ilagay ang mga ritwal na ginagawa sa katawan, sa pag-aalaga at pagpapaganda sa sarili. She put a little makeup on her face and afterwards nang maipatuyo ang buhok sa pamamagitan ng hair blower ay itinali lang ito pa-bun.
She then starts putting her clothes on, simula sa mga maliliit na telang pangloob na sinundan ng pagsuot ng kanyang camo pants at ang simpleng dark green na kulay ng t-shirt na may nakalagay na logo sa bandang dibdib. She is excited sa aatenan na pagtitipon ngayong araw. Isa ito sa pinakahihintay niyang mangyari sa kanyang napiling bagong propesyon pagkatapos ng apat na taon sa pagiging isang pulis.
Ilang sandali pa, pagkatapos asikasuhin ang sarili ay kinuha niya ang helmet na nakapatong lang sa maliit na lamesa sa gilid ng pintuan. Dumiretso sa kanyang maliit na garahe sa harap ng bahay at doon ay sumakay sa nakaparadang motorsiklo. Ang lahat ng ito, ang may kaliitang apartment na tinitirhan ngayon at ang motorsiklo na ilang taon na rin sa kanya, ay mga bunga ng pinagpaguran sa pagtatrabaho bilang isang tagapagtanggol ng batas.
“Always remember this. One of the most important things as an agent is maging totoo kayo sa sarili ninyo. If you cannot be honest with yourself, how can you get the truth out of anyone else... Each and everyone of you have to know yourself. Kung lahat man ay tumalikod sa inyo sa gitna ng digmaan, wala kayong magiging kakampi kung hindi ang sarili lang ninyo.”
Natagpuan niya na lang ang sarili na nakikinig sa speech ng guest speaker noong gabing iyon sa may malaking kuwartong kinapapalooban kasama ang higit tatlumpung kataong nakaupo at nakikinig rin dito.
“... Ngayong araw na ito, its official na agent na kayo but I'm telling you all, nagsisimula pa lang kayo. It will get harder from here. So please, paka-isipin ninyo ang gusto ninyo sa buhay. Kung ano ang nais ninyong mangyari sa future ninyo. More than that isipin ninyo kung sino kayo at bakit kayo nandito, bakit ninyo pinasok ang trabahong ito…”
Nagsipalakpakan ang lahat ng taong nandoon pagkatapos magbigay ng inspirational speech ang may katandaan ng lalaki na siyang director ng NBI.
Magmula noong oras na iyon ay hindi na maalis sa kanyang isipan ang mga sinabi nito. Lalo na ang mga katagang binitawan nito na maging totoo sa sarili at kilalanin ang sarili.
Of course she knows that she is being true to herself, pero ang kilalanin ang sarili literally? Doon siya biglang naguluhan. Oo at pinaghirapan niya kung sino siya at kung ano siya ngayon, pero ang alamin at balikan ang nakaraang buhay niya bago pa man siya kupkupin ng mga itinuring na mga magulang ay hindi siya sigurado kung saan magsisimula. Actually, hindi niya expected na sa papasuking bagong propesyon ay magti-trigger ito para halukayin niya ulit ang nakaraang buhay na matagal niya nang ibinaon sa limot. Maraming katanungan ang pumasok sa isip niya dati pero hindi na niya kinalkal pa ang mga iyon ng simulan ang sariling buhay kasama ng mga taong umampon sa kanya. Ngayon na lang ulit nang marinig niya ang speech ng nakatataas na Director na galing pa sa Maynila para bigyan sila ng inspirational speech sa kanilang pagpasok bilang isang special agent.
Sandaling inantala niya ang kanyang isipan mula sa pag-iisip ng mga bagay na iyon ng makita niya ang pag-iba ng kulay ng traffic light. From red, it changed to green. Nagpatuloy siya sa pagda-drive ng kanyang motorsiklo. Galing sa inatenan na pagtitipon sa gabing iyon sa pagpasok sa pagiging special agent ay pupunta siya sa bahay ng matalik na kaibigan kung saan nag-conduct ito ng party para sa kanila sa pag-iiba ng propesyong tinahak.
Habang nagda-drive ay pumasok ulit sa kanyang isipan ang huling sinabi ng director kanina. Kung bakit niya pinasok ang ganitong propesyon. She figured doon na lang siguro siya magpo-focus sa katanungan nitong iyon. Kahit pa binabagabag pa rin siya ng kanyang nakaraan, she reached way too far para balikan ang mga iyon at magpaapekto doon specially ngayong gabi.
Naalala niya, noong bata pa siya, she always wanted to be a police woman someday, pero noong naging ganap na pulis na siya at hindi niya mahagilap ang hustisya sa pagpatay sa mga kinilala niyang mga magulang, feeling niya ay kailangan niya nang mag step up. Kaya ito ang kinahantungan ng propesyon niya ngayon. From being a police woman to being a special agent. She knows, sa pamamagitan nito ay may kapupuntahan na ang katanungan niya tungkol sa kinapaparoonan ng tatlong hostage takers na pumatay sa mga kumupkop sa kanya. At who knows baka sa trabaho din na iyon eh malaman niya na rin ang kasagutan sa katanungan na matagal niya nang kinikimkim sa sarili niya noon pa mang bata siya. Ang mga katanungang, nawala ba talaga siya sa parke o sadyang winala siya ng totoo niyang ama?
She parked her motorcycle sa gilid ng malaking bahay ng kaibigan pagkapasok niya sa vicinity ng bakuran nito. Marami na rin naka-park na mga sasakyan doon at karamihan ng mga ito ay pamilyar sa kanya na ibig sabihin lang ay nandoon na ang iba pang mga kakilala na kasama rin sa pinasok na bagong propesyon.
Pagkatapos kunin ang backpack sa compartment ng motorsiklo ay nagdirediretso na siyang pumasok sa nakabukas na malaking pintuan ng malaki at magandang bahay na iyon. Doon ay sinalubong siya ng kanilang regional director ng kapilusan ng Baguio.
"SPO3 Torres!" bungad ng may katandaan ng lalaki. Malaki ang pagkakangiti nito sa kanya. "Congratulations! Isa ka ng special agent. I am so proud of you!" anito na inilahad pa ang kanang palad para makipagkamay sa kadarating lang na babae.
Binigyan niya ng matamis na ngiti ang matandang lalaki na naging isa sa mga inspirasyon niya sa trabaho. Huwaran at mapagkakatiwalaan ang taong iyon at isa iyon sa sumusuporta sa lahat ng desisyon niya sa buhay lalo na pagdating sa kinuhang bagong propesyon. In fact, tinuturing niya na itong isang ama na palaging handang magbigay ng advice sa kanya kapag may kinakaharap siyang problema.
“Salamat po sir,” aniya na inabot ang kamay nito para makipagkamay rin.
Nagkwentuhan pa sila ng konti habang iginigiya siya nito papunta sa bandang likurang parte ng bahay na iyon. Doon niya natagpuan ang karamihang tao na masayang nag-iinuman sa may gilid ng backyard at ang iba naman ay maingay na nagkukwentuhan habang nagtatampisaw sa may kulay berdeng tubig ng may kalakihang swimming pool na nandoon.
“Yani!”
Mula sa likuran niya ay may tumapik sa kanyang balikat. Naibaling niya ang atensyon sa lalaking lumapit sa kanya.
“Oi Pat!” tango niya dito nang makita ang kaibigan na may dala dalang isang maliit na bucket ng yelo na wari niya ay dadalhin nito sa mga kaibigang lalaki na nag-iinuman.
“Okay ka lang? Parang ang lalim ng iniisip mo ah,” natatawa nitong sambit sa kanya nang makita siyang walang kaimik-imik habang pinagmamasdan ang mga taong nandoon.
“Oo naman. Overwhelmed lang,” maikling sagot niya dito na nilakipan iyon ng magandang pagkakangiti.
“Tara na! Get changed para makapag-swimming na tayo while enjoying the booz!” tinanguan siya nito na itinuro pa ng paningin ang changing area na nasa gilid lang ng malaking bakurang iyon.
Dala dala ang backpack na pumasok siya doon at nagpalit ng damit panligo. Ilang minuto pa pagkalabas mula doon, habang naglalakad palapit sa pool at inaalis ang pagka-bun ng buhok ay natigilan na lang siya nang mapansing nakatingin sa kanya ang lahat ng mga taong nandoon na karamihan pa naman ay mga kalalakihan. Nakatitig ang mga ito sa kanyang katawan na noo’y lumabas pa ang pagkaputi ng kulay ng kanyang balat sa suot suot niyang pulang two piece swimsuit.
“Guys, ako lang ‘to ha,” natatawang saad niya nang matahimik ang lahat habang nakatingin sa kanyang makurbang katawan.
Tsaka lang bumalik ang ingay ng mga ito kasabay ng tawanan ng iba sa naging reaksyon nilang lahat sa paglabas ni Deyanira. First time ng mga itong nakita siya sa ganoong ayos.
“Ah, Yani, mali yata ang pinasok mong propesyon. Mas bagay ka sa binibining Pilipinas, bakit hindi ka na lang sumali doon?” kantyaw ng isang lalaki sa kanya.
“Yani, nasisilaw ako! Feeling ko may anghel na bumaba mula sa langit,” ani ng isa na nakalublob na sa pool.
“Yani, pwede bang mag-apply? Baka naman mapagbigyan mo ako,” pakli pa ng isa na madalas ay nagpapahaging sa kanya.
Natatawa lang siyang tiningnan ang mga lalaking iyon isa isa. Ikinailing lang niya ng ulo ang mga sinabi ng mga ito at tumalikod na para lumusong sa nang-eenganyong tubig sa swimming pool. Tumayo siya sa gilid nito at maya maya ay bumwelo na tumalon sa tubig na tila isang professional swimmer. She stayed under the water na mahigit isang minuto rin, at nang umangat ay nakita niya ang kaibigang lalaki na nag-aabang na sa kanya habang nakatayo sa gilid ng pool, hawak hawak sa mga kamay nito ang dalawang wine glass na may lamang alak.
Kinawayan siya nito para pumunta sa gilid ng swimming pool. Pagdating doon ay nauna na itong umupo na sinundan niya rin.
Hindi kumukurap ang lalaki sa pagtitig sa kanya lalo na nang itukod niya ang mga kamay sa gilid ng pool at sa pamamagitan noon ay iniangat ang katawan para makaupo sa tabi nito.
“Paano ba yan, nadagdagan na naman ang mga admirers mo. Bakit kasi napaka pihikan mo sa mga lalaki,” anito habang nakatitig sa kanya.
She rolled her eyes habang pinipiga ang basang buhok. Alam niyang sa pag-oopen up nito ng paksang iyon ay mapupunta na naman iyon patungkol sa matagal na nitong panunuyo sa kanya.
“Look. It's been almost five years na magkakilala tayo. You already know me very well. Bakit ba ayaw mo akong pagbigyan na maging boyfriend mo?”
Tama nga siya ng akala. Mangungulit na naman ito ngayong gabi.
“Patrick, ikaw na nagsabi na five years na tayong magkakilala. Isn’t it better na magkaibigan na lang tayo? I like it better that way,” saad niya dito pagkatapos uminom ng konti sa ibinigay nitong kalahating baso ng alak.
“Tss, bakit ba? Ano ba ang problema sa akin? Gwapo naman ako, may magandang pangangatawan, mabait, gentleman, palaging nasa tabi mo kapag kailangan mo, maasahan mo sa lahat ng oras. Kung tutuusin kulang na nga lang ay ang confirmation mo na tayo na dahil hindi ka naman mag-stick sa akin for the whole 5 years kung wala ka rin pagtingin sa akin, hindi ba?”
Nagpalabas siya ng buntong hininga sa sinabi nito. “Pat, I admit I enjoy your company a lot, hinahanap hanap kita kapag hindi kita nakikita. Pero anong magagawa ko eh hanggang doon lang ang nararamdaman ko para sa iyo. Kung pwede nga lang diktahan ang puso, ‘di ba,” wika niya dito ng bahagyang ipihit ang katawan paharap sa kaibigang lalaki.
“Why not i-try natin?” anito na naging excited sa sinabi. “I-try natin for one week, wala namang mawawala eh. Kapag sa tingin mo hindi talaga pwede, then balik tayo into being friends.”
Na-iroll niya ulit ang mga mata at napatawa. “ Ano iyon friends with benefits? Yung tipong magkaibigan kayo pero you kiss and hug and do stuff na siyang ginagawa ng mag-boyfriend pero wala kayong nararamdaman sa isa’t isa?”
“Well, we will just do experiments para sa iyo. Malay mo mahulog na ang loob mo sa akin, kasi ako naman mahal na mahal naman na talaga kita noon pa. Ikaw na lang ang hinihintay ko.”
Nagpakawala ulit siya ng sarkastikong pagtawa sabay ang paulit ulit na pag-iling. Alam niya na noon pa man ay lokong loko na sa kanya ang matalik na kaibigan.
Ibinalik niya ang diretsong pagkakaayos ng upo nang may mapansing isang lalaki sa may kadilimang bahagi ng bakurang iyon na tila nakatitig sa kanya. Nakaupo ito sa bench sa ilalim ng puno habang may kausap na isa pang lalaki na siyang nakatalikod naman sa kanila. Ang ipinagtataka niya ay sa kabila ng may kinakausap ito ay sa kanya lang nakatuon ang pansin nito.
Sandali niya rin natitigan ang lalaki na iyon. Sa kabila ng hindi masyadong maaninag ang mukha nito dahil may kalayuan ang kinalalagyan nito at nakasuot rin ito ng sombrero, ay napag-iisip talaga siya dahil parang nakita niya na ito noon pa.
Naipilig niya ulit ang ulo ng maalala ang isang lalaki na naka-one night stand niya noon na siyang naalalang kahawig ng lalaking iyon. Agad na rumihistro ang magandang ngiti sa kanyang mga labi nang alalahanin ulit ang mga napag-daanang sandali nang makasama ito pitong taon na ang nakakalipas.