Reminiscing the Past

1537 คำ
7 years ago. “Miss, do you need help?” Nagulat siya nang bumalik ang lalakeng iyon para samahan siya sa pagtakbo ng 1.5 mile run na kanilang physical training noong araw na iyon. Sa katirikan ng araw na imbis ay tapos na ito sa pagtakbo ay bumalik pa talaga ito para tanungin siya kung kailangan niya ng tulong. “No! Thank you!” itinaas niya ang isang kilay dahil sa taas ng pride na meron siya noon. They supposed to finished the 1.5 mile run in 15 minutes pero ilang minuto na lang ang natitira sa oras ay malayo pa rin siya sa pinaka-finish line. Ngunit sa kabila ng pagtataray niyang iyon ay nag-stay pa rin sa tabi niya ang lalaki na ilang beses na pinalakas ang loob niya para lang matapos niya ng mas mabilis pa ang training na iyon. Hinawakan pa nito ang kanyang mga kamay noong napadpad sila sa paakyat na parte ng burol na pinili ng officer nilang pagganapan ng training nila. Hila siya nito at kung minsan pa ay itinutulak sa kanyang likuran. Pagkarating nila malapit sa finish line, sa medyo tagong parte ng lugar na iyon ay iniwan na siya nito para hindi halatang tinulungan siya ng lalaki. She was being rude pa that time na imbes na magpasalamat ay tinarayan pa niya ang lalaking tumulong sa kanya para malagpasan ang kanilang pagsasanay. Marami pang pagkakataon na nakitaan niya ang lalaking iyon ng kabutihang loob sa kanya. Na akala niya ay nagmamalasakit lang ito noong una pero merong isang instances na kailangan nilang gawin ang four storey building obstacle training na kung saan kailangan nilang umakyat at lagpasan ang mga 3 foot bars, ladders and walls bago sila pumaakyat sa apat na palapag ng building. Magkasunod sila sa training na iyon at nauna siya. She had a hard time finishing that training lalo na noong nagkaroon siya ng kaunting injury mula sa nakaraang obstacle rin sa pa-zigzag na lakad na ginawa nila sa palibot ng cone noong isang araw . Natapilok siya and namaga ang paa kinabukasan, but she doesn't have hesitation na ipagpatuloy ang training noong araw na iyon sa kabila ng alam niyang mas mahirap ito. She was going down the building at mabagal ang pagbaba niya nang buhatin siya nito at dalhin sa pangalawang palapag. Tsaka lang ito nagpatuloy sa pag-akyat sa itaas nang masigurado nitong nakababa na talaga siya sa huling baitang ng unang palapag. Sa tingin niya ay na-underestimate niya ang kakayahan ng lalaki na iyon na para sa kanya ay isang totoy lang dahil sa liit ng katawan nito, at may pormahang may pagka-baduy. Nawala lang ang tingin niyang iyon para dito nang may mangyari sa pagitan nilang dalawa isang araw. Of course she had to lie na hindi niya ito type. Naalala niya pa, she was bored that whole day. Pagkatapos ng kanilang lecture training, habang nasa break sila noon nang yayain niya itong makipag-usap sa kanya in private. At doon nga siya nito dinala sa magarang sasakyan nito na hindi niya akalain na pag-aari pala nito. The way he hold her and kiss her that time, tila may karanasan na ito na maitatawag pagdating sa pakikipag-s*x pero dahil hindi naman siya nagseseryoso sa mga lalaki noon ay hindi niya ibinigay ang pangalan niya at telephone number niya na hiningi ng lalaki noong oras na iyon. Oo nga at hindi niya ito type noong una, pero those gentle touch na naranasan niya sa lalaking iyon, iyon ang hindi niya nakakalimutan hanggang ngayon. To the point na binago siya nito lalo na nang hindi na niya nakita ang lalaki pagkatapos ng araw na iyon. Nakunsensya siya sa mga masasakit na sinabi dito. Feeling niya she owed him an apology pero dahil dalawa silang hindi nakilala ang isa’t isa ay hindi na niya pinag-aksayan pa ng panahon na hanapin ang lalaki. That day she stopped flirting with another guy. Hindi na rin siya nakikipag-s*x sa mga stranger person na nakakasalamuha lang. Feeling niya kailangan niya ng pag-ingatan ang sarili mula sa mga lalaking dadaan sa kanyang buhay, gaya ng naranasang pag-iingat ng lalaki sa kanya noong mangyari ang huling s*x na naranasan niya dito 7 years ago, noong 19 years old pa lamang siya. Noong careless and hopeless pa siya sa kanyang buhay dahil still on recovery pa siya sa pagkawala ng mga umampon sa kanya. Still, she was thankful at maaga niyang naagapan ang sarili mula sa tuluyang pagkapariwara at maagang niyang na-realize na hindi ganoon ang gustong mangyari sa kanya ng Mamay at Papay niya kung nabubuhay pa ang mga ito. “Psst! Sino ‘yun?” siniko niya ang kaibigan sa pagtatanong niyang iyon tungkol sa lalaking kausap ng kanilang regional director sa party nang matapos ang kanyang pagmumuni muni mula sa nangyari sa kanyang nakaraan. Naitaas ni Patrick ang mukha at ipinukol ang paningin sa lalaking tinutukoy ni Yani. “Hindi. Bakit, type mo?” Naisalubong niya ang mga kilay na ibinalik dito ang paningin. “Nagtatanong lang, type na agad?” may inis niyang saad dito. “Eh, nagtatanong lang naman din ako,” sagot din ng kaibigan na natatawa pa sa naging reaksyon ni Yani. “Actually sir Rodriguez asked me if pwede ba daw na may papuntahin siyang tao dito para kausapin, para hindi na daw siya umalis pa para kitain ang kaibigan niya sa ibang lugar. Siguro iyan na yung taong tinutukoy niya,” paliwanag nito. Nagkibit lang siya ng mga balikat. “Ano, sige na. Payag ka na sa kontrata natin?” tanong ulit ni Patrick na kinalabit pa siya sa braso. “Huh? Anong kontrata?” naguguluhan niyang tanong. “Yung magiging mag girlfriend-boyfriend tayo ng isang linggo. Titingnan lang natin kung may pag-asa ba na magkagusto ka sa akin," kinindatan pa siya nito. “What?” naikunot niya ang noo. “Urgh, Patrick, yung mga naiisip mo na naman, mukhang ikaw lang ang makikinabang,” tila napipikon niyang sambit. Umakma siyang tatayo. Natatawa lang naman ang lalaki. “Oh, saan ka pupunta?” pigil pa nito sa kanya na akala ay magwa-walk out siya. “Kukuha ng maiinom,” sagot niya. “Mamaya na, seryoso ang pinag-uusapan natin eh.” “Ano kayang seryoso doon? Magpapanggap ako na may gusto ako sa iyo in one week? Nako, tigil tigilan mo nga ako Patrick!” inalis niya ang pagkakahawak nito sa kanyang braso at tuluyang tumayo. Dahil nakayapak at ayaw marumihan ang sahig ng sala ng bahay ng kaibigan na siyang pinasukan niya kanina pagkarating doon ay doon siya dumaan sa gilid ng bandang madilim na bahagi ng backyard nito, na ang lusot ay diretsong kusina ng bahay. Doon ay patingkayad siyang lumakad nang biglang isang bruskong katawan ang nabangga niya sa daraanan. Kasabay ng pagbitaw niya sa basong hawak hawak ay ang pag-out of balance ng kanyang katawan mula sa pagsangga ng may kalakihang taong nakasalubong. Mabilis na nasalo ng isang kamay ng lalaki ang nabitawan niyang baso kasunod ang paggapos ng bisig nito sa may kaliitan niyang bewang. “I’m sorry. Are you okay?” may pag-aalang tanong ng lalaking iyon kay Yani pagkuwan. Hindi nakapagsalita si Yani. Sa sandaling iyon ay napako ang tingin niya sa lalaking nakasumbrero na napagtantong nakatitig sa kanya kanina. Bahagya pa niyang nasinghot ang suot nitong pabango na napaka manly ng amoy. Sa sandaling iyon ay tila ilang bultaheng kuryente ang naramdaman niya sa kanyang katawan mula sa pagkakayakap nito sa kanyang bewang. Tila nawala siya sa sarili sa kung paano nito hawakan ang parteng iyon ng kanyang katawan. May pagkabanayad. May pagkakahawig sa paghawak ng lalaking nakilala niya noon. Naipilig niya ang ulo nang makitang tumalikod na ang lalaki na iyon nang ilang beses siya nitong tanungin kung okay lang siya at ilang beses din siyang hindi nagsalita. Hindi niya masyado napakatitigan ang mukha ng lalaki. At may panghihinayang siyang naramdaman doon. Samantala… Napakunot ang noo ng lalaking iyon ng bitawan ang babaeng nakabanggaan sa gilid ng daanan ng pinuntahang bahay para kausapin ang matagal ng kaibigan nito. Hindi nito akalain na matititigan ng malapitan ang babaeng kanina pa pinagmamasdan mula sa malayo. Although malakas talaga ang kutob nito na na-meet na nito ang babaeng iyon may pitong taon na ang nakakalipas, hindi pa rin ito convinced kahit pa harap harapan nitong nakita ang mukha ng babae. Iba ang babaeng iyon sa babaeng ikinukumpara dati. May short hair ang naka-one night stand nito dati at may pagka skinny. Sabagay, anim na taon na ang nakakalipas, malay ba nito kung mas gumanda pa ang babaeng iyon na sinabihan itong totoy pagkatapos makipag-s*x dito. Dahil doon ay nagkaroon pa ito ng insecurities sa sarili. Nag-iwan iyon ng pagkasuklam sa babaeng hindi rin nakilala. Sa batang edad nito dati, at sa pinagdadaanan noon, naging woman hater ito. Pero aminado ito ngayon na binago na rin iyon ng panahon. Datapwa’t as soon as makita ang babae kanina, tila sumikdo ulit ang kumukulong dugo towards dito kung ito man ang mismong babaeng nakaniig noon. Kahit pa hindi rin nito makalimutan ang ginawa ng babae na siyang pinaka-unang babaeng nakakuha sa p*********i nito, he lived his life proving himself na kagusto gusto rin ito at wala nang babae na aayaw pa dito.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม