“What do you mean na hindi n’yo na siya mahanap?” pigil ang pagtaas na boses na sambit ni Copper sa tauhan noong bigyan siya ng pagkakataon na gumamit ng telepono para tawagan ang sariling abogado. Ngunit dahil nalingat ang pulis na kasalukuyang on duty ay nagkaroon siya ng pagkakataon na tawagan din ang higit na pinagkakatiwalaang tauhan. “Lord, lagpas one week na pong hindi pumapasok si Lucio. Sa una po ay nagpaalam lang siya na may importanteng aasikasuhin, hanggang sa hindi na siya makontak. Pinuntahan rin po namin siya sa kanyang bahay at nagtanong tanong. At ayon nga po sa mga tao doon ay medyo matagal na nga daw pong hindi umuuwi ang gagong iyon.” Nagtagis ang kanyang bagang sa narinig. “That mother fu**ing guy! Pagkatapos kong taasan ang posisyon niya at tanggapin bilang isa sa

