Chapter 32-Magpakalasing Mike's Pov “Huwag magtago; Alam kong nandiyan ka. Lumabas ka na." Lumapit si John para harapin ako. Natahimik siya. "Nagtago ka na nga lang hindi mo pa ginalingan." Tinawanan ko siya. Napansin kong nasa kabilang table siya. Nung una hindi ko pinansin. , akala ko gusto niya lang mapag-isa kagaya ko, pero hindi sa tuwing itinutulak ako palayo sa likod niya. "Inom pa tayo," sabi ko sa kaniya. “Ang dami mo na nainom." Tangina, hindi pa ako lasing, kulang pa nga 'to. Nag-order pa ako. Wala nang nagawa si John; ang tanging nagawa niya ay samahan niya ako mag-inom. Ang loko, namumula na. Mukha tinamaan na siya, konti pa lang naman ang naiinom niya. Ang hina naman ng isang 'to. Napatingin ako sa kan'ya, hindi ko mapigilan umiyak sa harapan niya. Tanging si John lang la

