Chapter 33-Naguguluhan John's Pov “Naguguluhan ako." Napatingin ako bigla kay Mariz. Ito ang kinatatakutan ko, hindi maiiwasan magtanong sila tungkol kay Mike. Ngayon ko lang nakita ang lasing na lasing si Mike. Buti na lang naisipan kong sundan siya kung saan man Siya magpunta. Nakita kong umiiyak siya sa harap ng ibang tao. “May anak ba talaga ang pinsan?" Napatingin ako sa kan'ya. Alam kong gusto niya akong kausapin kagabi. Umiwas na lang ako sa kan'ya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa ka'nya. Ayokong pangunahan si Mike. Ang desisyon ni Mike ay walang makakaalam. "Hoy! Anak ba niya ang kambal na iyon? Kamukha niya ang bata?" Napaka Seryoso ako ng kaharap ko si Mariz; parang nawalan ako ng lusot. Hindi ko naman puwedeng sabihin na hindi niya anak. Sa kambal pa lang, pina

