Chapter 34- Pagsugod Cherry's Pov “Baby, sorry sa lahat. Babawi si mommy." niyakap ako ng kambal ko. "Anong nangyari? Bakit po kayo nag-aaway ni Daddy?" tanong sa akin ni Princess. Napatingin ako sa kanila, naghihintay ng isasagot ko. "Sorry, baby, I can't tell you the truth." "Why, Mommy?" Humarap sa akin si Prince, parang matanda. "Hindi mo pa kasi naiintindihan." "Oh?" Sabay nilang sabi, iniisip pa rin ang sinabi ko: "Dahil po ba na bata pa kami, kaya hindi kami maka pagsabihan ng sikreto? Mommy, diba po bawal ang magsinungaling; paano ka po namin maintindihan? Ano po ba talaga ang dahilan kung bakit parang takot na takot ka po? Mommy, huwag mag-alala; nandito po kami para say'o. Hindi ka po namin iiwan." "Opo Mommy, tama si Prince. Kahit minsan nag-aaway po kami, mahal namin

