Hindi ko na napigilan kaya naman hinarap ko siya at tinanong. “Anong sinabi mo? Baby? Nananaginip ka yata ng gising Alaric.” Tinitigan niya ako at hindi ko maintindihan dahil kakaiba iyon. Hindi siya mukhang galit, yung tipong parang may gusto siyang sabihin na hindi mo mawari. “Sleep now, Jessa.” Ang sabi na lang nito tapos ay pumikit na rin pagkatapos niya akong hilahin kaya mas napalapit pa ako sa kanya matapos ang bahagya kong pagkakalato sa kanya ng harapin ko siya. Okay na sana, ang kaso mo nakaharap ako sa kanya at ayaw ko man ay hindi ko mapigilang maamoy ang mabango niyang hininga. Naalala ko tuloy yung sinabi niya sa akin na tulo laway ako at ang baho ng hininga ko. Dahil doon ay pinilit kong tumalikod sa kanya at laking pasalamat ko ng hinayaan niya ako. Yun nga lang, nanatili

