Simula ng gabing iyon na niyakap niya ako sa pagtulog ay lagi na niyang ginagawa iyon. And every time ay nakatalikod ako sa kanya. Hinayaan ko siya dahil bukod sa naiisip kong baka nga sinusubukan niyang iayos ang pagsasama namin ay masarap sa pakiramdam ang makulong sa kanyang mga yakap. May bonus pa na pagtusok ng higanteng acorn niya sa likuran ko. Eeewww…. Ang manyak ko! Maliban sa “goodnight baby” ay wala na siyang sinasabi kaya ganun din ako. I mean hindi na din ako nagsasalita. Tapos ay mararamdaman ko ang marahang pagdampi ng kanyang mga labi sa aking ulo. Napapapikit na lang ako dahil sa sobrang sarap sa pakiramdam. Grabe ang binuhay niyang damdamin sa akin at natatakot akong baka bigla niya akong ilaglag. I mean, paano kung tuluyan na akong mahulog na sa palagay ko ay hindi mala

