"Anong iniisip mo, bruhilda?" Ang puna sa akin ni Vane na inikutan ko lang ng aking mga eye balls. Kahit kailan talaga ay ang lakas maka tunog nito. Paano nga ba namang hindi eh malamang na bakas sa mukha ko ang galit.
"You didn't want to know." Ang sabi ko naman.
"Kung kutusan kaya kita? Ipapakita mo sa akin ang feslak mong parang pinagsakluban ng langit at lupa tapos iyan ang sasabihin mo sa akin? Tsaka bakit may pag Ingles? Paki explain, why?" Gusto kong matawa sa reaksyon niya kung hindi lang talagang mainit ang dugo ko kay Alaric.
May ilang buwan na kaming nagsasama at nasa 2nd sem na rin ako ng aking 3rd year sa college. Matapos ang umagang iyon ay naging mas madalang pa ang uwi ng asawa ko sa bahay. Hindi naman sa sobrang affected ako, kung tutuusin ay ayos lang sa akin dahil malaya kong nagagawa ang gusto ko sa bahay. Kahit sa school ay ganun din. Lalong hindi ko pinapansin si Jay Marc ngayon dahil alam kong may asawa akong tao at hindi ako nag-eentertain ng kahit na sinong lalaki in respect to him.
Kahit naman sinabi ko na OK lang sa akin na mambabae siya basta hindi ko alam ay ayaw ko paring gawin nya syempre. Respect sa isat isa. Iyan ang gusto kong gawin naming basehan ng aming pagsasama. Pero iyon din ang bagay na wala ito at napakadamot na ipagkaloob sa akin at sa aming relasyon.
Kung hindi ba naman talagang nuknukan ng pagkababaero nito, mantakin mong nakita ko siya or rather naabutan ko siya sa kanyang opisina na may kasamang ibang babae at naghahalikan. Alam mo yon, kaninang umaga lang nangyari bago ako pumasok sa school. Sa inis ko ay hindi na ako tumuloy dahil nawala na din sa isip ko kung ano ang sadya ko sa kanya. Tinalikuran ko na siya, sila ng babae niya. Hindi naman ako umaasahang hahabulin niya ako, pero kahit ganun ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi masaktan.
“Hoy, hindi ka na nagsalita diyan!" Ang sabi pa ni Vane na nagpabalik sa katawang lupa ko sa kasalukuyan.
"Huwag mo na lang akong intindihin, girl. Ganito na yata kapag tumatanda."
"Haleeerrrr…. Bente anyos ka pa lang. Anong tumatanda ang sinasabi mo?" Ang tanong nito na hindi ko na nagawang sagutin. "Oo nga pala, need na nating pumunta sa audi. Instead na mag lesson ay pinapa-attend tayo ni Mr. Centeno ng isang seminar. Hindi ko alam kung bakit naisipan ng school ito, pero parang OK na din kasi ang pogi ng speaker."
Naiikot ko na naman ang aking mga mata sa kanya. Pagdating talaga sa pogi ay hindi ito pahuhuli. Salamat sa kanya at pansamantala kong nakalimutan ang sakit at sama ng loob na naramdaman ko kanina. We went to the auditorium and met our three other friends na sila Rhet, Camille at Janier na nag-save na ng upuan namin para magkakatabi kami.
“Bakit naman dito ang pinili nyong pwesto, gitnang gitna talaga?” Ang puna ko. Pwede naman kasi sa bandang dulo para kung ma-bore ako sa speaker ay pwede kaming magdaldalan na madalas namang nangyayari.
“Sabi ni Vane eh.” Ang sagot ni Camille. “Gusto daw nya sa gitna at medyo malapit sa unahan.” Dagdag pa nito kaya naman napatingin ako sa nakangising Vane.
“Alam mo naman yan, basta pogi.” Ang komento naman ni Janier na ayaw pang umamin pero halatang may gusto sa dalaga. Nagsiupo na kami bago nagpatuloy ng kwentuhan habang hinihintay ang kung sino mang poging speaker na sinasabi ni Vane.
Hindi nagtagal ay dumating na nga ang aming hinihintay at ganun na lang ang gulat ko ng mapagsino ito. Anong ginagawa ng damuho kong gurang na asawa dito? Nagtagpo ang aming paningin pero hindi ko siya pinansin na akala mo ay hindi ko siya kilala. Napaisip tuloy ako kung ano ba ang nakain ni Mr. Centeno at itong herodes na ito ang kinuha niyang speaker at ano din ang nakain ni Alaric para pumayag itong maging speaker.
“Good afternoon. I am Alaric Navarro and I am going to be your speaker for today.” ang simula niya. Lahat naman sila ay mga nakatingin na sa kanya lalo na ang mga kababaihan na manghang mangha yata sa kagwapuhan nya. Ayaw ko mang tanggapin pero iyon ang totoo. Kaya nga parang tulalang ewan itong si Vane na katabi ko ngayon.
“Jess, bakit parang tingin ng tingin dito si Mr. Navarro?” Ang bulong sa akin ni Rhet na sakto namang napatingin ako sa asawa ko at kitang kita ko na nakatingin nga ito sa akin tapos ay tinignan din ang kaibigan ko. Iniisip siguro nito na nagtsitsismisan kami habang nagsasalita siya.
Kiber ko ba, baka nga mamaya kakahiwalay lang nila ng babaeng kahalikan niya kanina sa office niya eh. Magpasalamat siya at hindi ako sumbungera, kung nagkataon, naku, isinumbong ko na siya kila Mommy Alaina at Lola Marga.
“Akala mo lang siguro iyon. Nagkataon lang, syempre gumagala ang paningin niyan.” ang sagot ko na lang kay Rhet tapos ay natawa na ito. Ganito naman talaga kaming mga estudyante, hindi masyadong sineseryoso ang mga ganitong seminar. Especially kung tungkol sa negosyo na hindi naman namin interes.
Dahil nakakainis ang pagmumukha niya ay nagdecide na lang ako na magpaalam na mag-c-CR. Ito ang pambansang dahilan kung gusto naming makaiwas sa nakakaboring na lecture ng kahit na sinong prof namin. Nagtaas ako ng kamay at syempre ay nakuha ko ang atensyon niya. “What?” ang galit na tanong nito.
“May I go out?” ang tanong ko. Syempre dapat ay papayagan niya ako dahil call of nature di ba?
“No.” ang sagot nito na ikinalaki ng mga mata ko.
“Ihing ihi na po ako.” ang sagot ko din na talagang nilagyan ko ng diin ang salitang po para malaman nyang inaasar ko siya ng edad niya.
“You can pee where you are sitting.” ang sabi naman niya na akala mo ay wala lang. Gustong umusok ng bumbunan ko sa galit pero kinalma ko lang ang sarili ko at umupo ako ulit. Kailangan ko ng kakuntsaba kaya naman,
“Rhet paki urong nga ng upuan mo, sa lapag na lang ako iihi.” ang sabi ko sa aking kaibigan na ikinalaki ng kanyang mga mata.
“Seriously?” ang tanong niyang gulat na gulat.
“Sabi ni Sir dito na lang daw eh.” tapos ay nilislis ko na ang palda ko sabay sigaw naman ni Vane.
“Jessabel! Papapanghiin mo pa dito.” ang sabi nito sabay tingin kay Alaric. Kitang kita ko ang paglaki ng butas ng kanyang ilong at medyo iba na rin ang tingin sa kanya ng ibang mga estudyante.
“Fine, get out and never come back.” sabi nito.
“Grabe naman kayo Sir, para iihi lang ayaw nyong magpa-ihi. Tapos magpa-power tripping kayo. Nagpapaalam ng maayos eh ayaw niyo akong payagan. Tapos babawian niyo ako sa grade.” Ang sabi ko pa na medyo may halong pagpapaawa.
“I already said get out.” ang galit na sabi na naman nito. Hindi naman pasigaw at parang naiimagine ko na ang pagtitimpi rin niya.
“Babe!” ang biglang sabi naman ni Jay Marc. Anong ginagawa nito dito? Napatingin tuloy ako sa kanya at nawala ang pansin ko kay Alaric.
“Anong babe ang pinagsasasabi mo?” ang tanong ko dito. Baka isipin pa ng herodes eh magkagaya kami. No way!
“Jay Marc huwag ka ng makigulo.” ang sabi naman ni Rhet dito.
“Hoy Rhet, ikaw ang huwag makigulo. Tandaan mo, akin lang si Jessa kaya huwag ka ng umepal.” ang sagot naman ng anak ng haciendero. Feeling ko tuloy ay super duper mega beautiful ako today, kung hindi lang may kahalikan nga kanina ang damuho kong asawa.
“If you are not interested in attending this seminar, you are free to leave this room.” ang biglang sabi naman ni Alaric. Napalingon tuloy ako sa kanya at kitang kita ko ang mga mata niyang nanlilisik sa galit sa akin kung makatingin. Natahimik na kami at umupo na, tapos ay naalala kong iihi nga pala ako. Kaya naman nagtaas ako ulit ng kamay ng magsisimula na namang magsalita ang asawa ko.
“Iihi nga po pala ako, pwede na po ba?” ang tanong ko ng tumingin siya sa akin ulit. Hehehe.. Kita ko ang pagka badtrip sa mukha niya. Bala sya diyan.