Chapter 7

1273 คำ
Maayos na natapos ang klase ko ng hapong iyon. Buti na lang at nakabawi ako sa gurangis kong jowa na hindi pwedeng ipagkalat dahil after kong magpaalam na iihi ay hindi na ako bumalik pa. Ang hindi ko alam ay nagpaalam din pala si Rhet at kagaya ko ay abandon the ship din ang naging peg niya. Tawa kami ng tawa ng magkita kami sa Canteen. Inaantok daw siya dahil wala naman daw siyang interes din sa pinagsasasabi ni Alaric. Pagkatapos naming kumain ni Rhet ay pumunta na kami sa next class namin. Syempre, kami ang first dahil nasa seminar or whatever pa yung iba. May exam pa kami sa Strength of Materials kaya naman medyo nagreview na rin kami. Nagawa ko naman na iyon, pero iba pa rin kung papasadahan ko pa ng isa pang review dahil math din iyon. Juice Miyo Marimar, ang akala ko eh drawing drawing lang ang Architecture, iyon pala ay sandamakmak din ang Math subjects. Mabuti na lang at nagmana ako sa mudrakels ko na madaling umintindi ng mga formulas at bestfriends ang mga numbers. Hindi naman sa pagmamayabang pero CPA si mudra Lyn and graduate siya with flying colors sa isang kilalang state university sa bansa. Yun nga lang, hindi na siya pinagtrabaho ni padir kaya natengga ng husto ang brain cells niya. Salamat sa mga paminsan minsang freelance opportunity na natatalisod niya at nagkakaraket. Hindi naman siya makapag full time dahil na rin kay Lola na hindi niya mapabayaan din. Going back sa mansyon namin. Wow, maka namin wagas. Hahaha.. Bakit ba, Mrs. Alaric Navarro na ako ngayon, hindi nga lang pwedeng ipagsabi. Pagdating ko ay wala pa din si Alaric, so naligo na ako at naglabas na ng mga plates ko para sa Architectural design ko. Sobrang engrossed na ako sa ginagawa ko at hindi ko na namalayan ng dumating ang babaero kong asawa. Nagulat na lang ako ng bigla itong magsalita na naging dahilan para sumala ang ginuguhit ko na sign pen pa naman na ang gamit ko. Dumumi tuloy. “Sinong may sabi na pwede kang gumamit ng kwartong ito?” “Ano ba naman yan!” ang nasabi ko habang titig na titig sa gawa ko. Tapos ay nilingon ko siya, I mean tiningala pala ng matindi dahil nakaupo ako at nakatayo siya. “Hindi mo manlang pinatapos na maiguhit ko bago ka nagsalita!” ang reklamo ko dito. “Bakit ka nandito?” ang tanong niya. “Hindi ba obvious? Gumagawa ako ng assignment ko. Tapos sinira mo lang.” ang sabi ko. “Hindi ka pwedeng mag-stay or pumasok dito lalo na kung wala kang paalam.” “Sana sinabi mo noong una pa. Eh nakailang pasok na ako dito eh tapos ngayon ka pa magrereklamo. Tsaka wala akong pinapakialamanan sa mga gamit mo dahil wala naman akong pake.” “This is my office and my private place kaya huwag na huwag kang makapasok pasok dito.” ang galit niyang sabi. Akala mo naman may nawala sa gamit niya. Teka, may itinatago siguro ito. Naintriga tuloy ako at umiral ang pagka-marites ko. “Lamesa at upuan lang ang ginamit ko.” ang katwiran ko pa. “Wala akong pakialam!” ang sigaw niya. “Eh di wala!” sigaw ko din. “Ito na tatayo na at lalabas na. Napakadamot.” ang sabi ko pa habang isa isa ko ng nililigpit ang mga gamit ko. Sa huli ay nilamukos ko ang plate na ginagawa ko na dapat sana ay ipapasa ko bukas. Ngayon ay kailangan kong ulitin ang lahat kaya naman maghahanap na lang ako ng pwestong mapaglilipatan. “Saksak mo sa baga mo tong silid na to, lalo na yang table at upuan.” sabi ko pa bago ako nagsimulang lumakad palabas sana ng silid pero pinigilan niya ako. “Hindi pa tayo tapos.” “Ano na naman yon?” “Bakit ganyan ka sumagot? Dahil ba sa lalaki mo? Ipinagmamalaki mo ang estudyanteng sumunod sayo palabas ng auditorium nyo?” “Ano naman ang kinalaman ni Rhet sa paggamit ko sa table at upuan mo?” ang takang tanong ko. “Tsaka anong ipinagmamalaki ang sinasabi mo? Pinag-iisipan mo ba ako ng masama, na may relasyon kami nung tao?” ang shock kong sabi. “Huwag kang gumawa ng sarili mong multo. Ikaw ang may kahalikan kaninang umaga kaya huwag mong maituro sakin ang gawain mo. Hindi kita mahal at hindi ko gustong maging asawa ka, pero hindi ibig sabihin non ay sisirain ko ang sarili ko para lang makaganti sayo. You’re not worth it. Mas may value ang pagkatao ko kaysa sa gantihan ka.” “Wala akong kahalikan kanina. Kung hindi ka agad umalis at sinabi mo ang sadya mo malalaman mo na siya ang humalik sa akin at hindi ako.” “Pwes kung sa tingin mo may gusto sa akin Rhet wala akong magagawa doon. Damdamin niya iyon kaya hindi ko pwedeng pigilan.” “So sinasabi mo na may pag-asa siya?” ang tanong niya. “So sinasabi mo na nagustuhan mo yung halik niya?” sagot ko naman. Gusto ko lang na ipaliwanag sa kanya na kahit yung babae ang humalik dapat umiwas siya. Alam na nga niya ng may asawa na siyang tao ay gumagawa pa rin siya ng kababalaghan. “Tsaka malinaw ang sinabi ko, gawin mo lahat ng gusto mo pero huwag kang magpapahuli sa akin. Pero sadya yatang wala kang respeto sa kahit na kanino kaya balewala na lang sayo. Kaya hala sumige ka, mambabae ka, pero huwag mo rin akong papakialaman sa mga bagay na gusto kong gawin.” Tapos ay umalis na ako. Ayaw kong makita pa ang pagmumukha niya. Ako pa ang pag-iisipan niyang nanlalaki eh malinaw na malinaw kanina lang umaga na siya ang may babae. Tsaka bakit nga ba ako nagpunta sa kanya kanina? Hindi ko na talaga matandaan. Sa living room ako nagpunta at sumalampak sa sahig. Sanay naman na ako ng ganon kahit sa bahay. Mas maganda pa nga dito dahil may carpet ang sahig. Tapos ang center table ay salamin. Magandang mag-drawing. Nilabas ko na naman ang mga gamit ko at nagsimulang ulitin ang aking plate. Kagaya kanina ay nalibang na ako sa paggawa. Hindi ko na namamalayan ang oras pati na rin ang mga tao sa bahay. Kaya naman nagulat na lang ako ng paglapag ko ng sign pen ay boses na naman ni Alaric ang narinig ko. Buti na lang at tapos na ako. “Hindi ka pa rin naghahapunan. Ano nagha-hunger strike ka, tapos magsusumbong ka kila Mommy?” “Bakit naman ako magha-hunger strike? Dahil sayo? Hoy gising! Hindi kita mahal para gawin ko ang lahat para sayo. Hindi pa ako bulag at mas lalong hindi pa ako nasisiraan ng bait para gawin yon. Hindi ako nakakain dahil busug pa ako kanina at pangalawa, dahil kailangan kong tapusin ang assignment ko na sinira mo.” “Kung ganon eh di kumain ka na, tapos ka naman na.” ang sagot nitong pagalit din. “Kahit hindi mo sabihin kakain talaga ako. Itsura nito. Tse!” ang sabi ko sabay tayo. Kaya lang nabigla yata ako. Sa tagal ng pagkakasalampak ko sa lapag ay parang nahilo at naramdaman kong parang babagsak ako. Pero hindi nangyari dahil may mga kamay na sumalo sa akin. Pagtingin ko ay mukha ni Alaric ang nakita ko. Tapos ay parang huminto ang pag-ikot ng mundo. Titig na titig lang ako sa mukha niya at ganon din siya sa akin. Higit sa lahat, bakit ganun? Bakit parang naririnig ko ang pagkabog ng dibdib niya? Wait kanya ba yon, o akin?
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม