YEAR 2021| MANUK MANGKAW ISLAND
WOAHHH!
ito na lamang ang na sambit ni Charm pag dungaw niya mula sa beranda ng kaniyang silid habang nakataas ang dalawang kamay sa ere..
Good morning my dear!
Isang masayang pag bati mula kay Sammy ng sumulpot ito sa likuran niya habang humihigop ng kape..
Nako!mag hilamos kana at bumaba kana din dahil ready na yung breakfast,
Masayang sabi neto habang pakembot kembot na lumalakad palabas ng kwarto.
Pag labas ni Sammy sa kuwarto nito ay mabilis din itong kumilos at nag hilamos pagkatapos ay sumunod na rin ito sa baba.
Hi Charm!Good morning masarap ba ang naging tulog mo?
Nakangiting sabi ni Lukaz ng salubungin siya nito pagbaba niya ng hagdan..
Halika nat maupo kana dito,Dugtong pa nito habang hinahatak nito ang upuan.
Nga pala Charm bali ito yung first scene na i sshoot natin ngaun.
Sabay abot ng papel kay Charm at mabilis naman itong tiningnan at binasa habang humihigop ng kape
Well dumating na din ung mga katutubong costumes pwede niyo ng makita mamaya,then narito na rin si Vince sa resort,kani kanina lang silang dumating ng team niya at ng a-asawa niya.
Dugtong pa nito nito natila hindi mabigkas ang huling sasabihin...
What!? I'm sorry i mean kasama ang asawa ni Vince dito sa set?
Gulat na tanong ni Sammy kay Lukaz at muntikan pa itong mabulunan dahil sa narinig,
Aminadong nagulat din si Charm sa narinig pero,hindi ito nag pahalata at mas piniling ikalma ang sarili.
Tumango naman si Lukaz sa tanong ni Sammy sakanya at muling nagsalita.
Yes,Sammy kasama ni Vince ang asawa niya,kahit din ako nagulat pero ang sabi sa akin ng P.A ni Vince nag pumilit sumama ang asawa nito dahil nalaman na locked-in taping tayo dito sa isla.
Ikinataas naman ng kilay ni Sammy ang narinig at nagkibit balikat na lamang.
I hope na hindi na gagawa ng iskandalo yang babae na yan dito,subukan niya lang talagang saktan muli si Charm ako na talagang makakalaban niya.
Taas kilay nitong sabi at sabay higop sa kape nito.
Don't worry Sammy wala naman sigurong mangyayaring ganoon.
Nakangiting sabi ni Charm dito na kalmado lang na kumakain,
Sa totoo lang hindi na rin siya mapakali dahil nais niya ng makita si Vince hindi dahil sa nasasabik siya dito kundi dahil nais niya itong makita kung gaano na ito kasaya pag katapos ng lahat ng ginawa nito sakanya.
Pag katapos mag agahan ay pumanhik muli sa kwarto sila Charm at Sammy para maligo at mag ayos ng mga sarili.
Sa baba naman ay nag sset na ang mga camera man at ginagayakan nadin ang cast at ang lugar kung saan ito gaganapin.
Oh may g-od Charm! ang ganda mo! ang ganda ganda mo talaga! bagay na bagay sayo ang role mo mukha ka talagang anak ng isang Rajah!
Nako!Lara pagandahin mo pa lalo si Charm okey?Pag katapos niyo jan ay pumunta na kayo sa venue at mag sisimula ng mag shoot!
Bilin nito kay Lara habang naka pamewang at nag papaypay ng hawak na papel..
Mabilis namang sumunod si Lara at Charm sa venue at halos lumuwa naman ang mata ni Charm ng makita niya si Vince na kasama ni Lukaz habang binabasa ang script na hawka nito.
Aminadong naka ramdam ng kaba si Charm,hindi niya alam kung para saan ba iyon,pasimple pa nitong inilibot ang paningin sa paligid upang hanapin ang asawa ni Vince.
Habang nag lalakad palapit sa dalawa ay nag iisip pa ito kung kailangan niya pa ba itong batiin o wag na lang,pero alam niya awkward naman kung hindi niya ito papansinin.
Naka suot ng bahag si Vince at tila bagay na bagay naman iyon sakanya tila wala kang maipipintas dahil napaka kinis ng balat nito at bumagay pa ang mga balahibo nito sakanyang binti na mas lalong nag pakisig sakanyang itsura..
Oh,Charm andito kana pala!
Masiglang bungad ni Lukaz ng makita siya nito,ngumiti naman si Charm at bahagyang kumaway pansin din niya ang pagtitig ni Vince sakanya na halatang gulat at natahimik ng makita siya.
Paglapit niya sa dalawa ay una nitong binati si Lukaz at sunod naman ay lumingon ito kay Vince at tipid na nginitian,
H-hi Charm,how are you?
Tulala pa rin ito sakanya,pero hindi naman naka ramdam ng ibang epekto si Charm sa mga titig na binabato nito sakanya.
Im good,how bout you?Oh, i think you are also fine.right?
Nakangiting sagot naman dito ng dalaga at mabilis din ibinalik sa script ang mga mata nito upang hindi magtagal ang mata niya dito.
Ilang sandali pa ay nag simula na ang unang eksena kung saan unang nag kilala ang dalawang bida at ginanap ito sa dalampasigan ng isla..
Habang ginagawa ni Charm ang eksena ay tila natigilan ito,naiisip niyang bigla ang kaniyang mga panaginip kung saan may humahabol din sakanyang mga mandirigma na banyaga.
Lalo pang nagpagulo sa isip nito ang mga pangalan ng karakter na nasa kwento na tila nagpapagulo sa isip nito.
Fides?
Nabulong ni Charm sa sarili habang napahinto ito sakanyang pagtakbo.
CUT! what's wrong Charm??
Isang malakas na sigaw mula sa direktor(Lukaz) na tila nag aalala sa naging reaksyon ni Charm at biglang paghinto nito sakanyang pag takbo.
Charm okey ka lang?
Pag tatanong ni Vince na may bahid ng pag aalala tumango lamang ito at ngumiti ng tipid at kahit naguguluhan ay tinapos pa rin niya ay ang mga huling eksena at sa mga naaalala niya ay lalo lang siyang nagka interes sa kwentong ginagampanan niya.
Nasa kwarto nasi Charm at nag papahinga ng bigla na naman niyang naalala ang lalake sa panaginip niya at hindi siya maaaring mag kamali na Fides din ang pangalan niyon na siyang ginagampanan ni Vince at ang eksenang ginagawa nila kanina ay siya ring napanaginipan niya ilang lingo lang ang nakalipas.
TIME 10:25PM
Mula sa kanyang mahimbing na pag tulog ay bigla nalang itong napa balikwas ng may marining siyang isang malakas na kalabog mula banyo ng kaniya kwarto na siya namang kinatakot ng biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaki.