YEAR 2021|PAG LALAKBAY NG GINOO PATUNGO SA KASALUKUYAN
(July-16-2021)
Nagising si Fides mula sakanyang mahimbing na pagkakatulog ngunit nagulat ito na tila hindi niya na makilala ang lugar kung saan siya naroroon.
Kahit masakit ang ulo at ang kanyang katawan ay pinilit parin nitong bumangon,kita rin nito sakanyang katawan ang mga sugat na mula sa pananalakay na nangyari sa kanilang banwa.
Tila tulalang inilibot ni Fides ang kanyang mga mata sa lugar kung saan siya nagising.,
Nasaan ako?
Pagtatakang tanong nito sa sarili at dahan dahang tumayo.
Isang makinis at maputing pader ang kaniyang nakikita at sa pagtataka ng Ginoo ay lumakad pa ito upang hawakan ang mga bagay na naroon.
Hindi niya kilala ang lugar kung kayat naging mas handa ito at mabilis na hinawakan ang itak sakanyang tagiliran at dahan-dahan itinulak ang pintuang kahoy na kulay puti.
Ngunit laking gulat nito ng makita niya ang kanyang asawa na naroon din sa lugar na iyon,sa sobrang pananabik ay mabilis niya itong pinuntahan upang malapitan.
TIME 10:25PM| Philippines
Sammy ikaw ba yan?
Takot na takot na tanong ni Charm habang papalapit sa banyo kung saan niya narinig ang malakas ng kalabog.
WahhhhH!
Sino ka!
maawa ka wag mokong tatagain!paki-usap maawa ka!
Isang malakas na sigaw at pag mamakaawa ni Charm sa lalaking nakita niyang lumabas sa kaniyang banyo at may hawak-hawak itong itak.
Sanaya mahal ko!
Yung na lamang ang nasambit ni Fides at mabilis niyang kinabig si Charm papalapit sakanya at niyakap niya ito ng sobrang higpit at sobrang pananabik ang makikita sa mga mata ni Fides ng makita niyang muli ang kaniyang asawa..
Sanaya?
Sino bang tinutukoy mo?
Hindi ako si Sanaya!
Sino kaba!
Bitawan moko!paki-usap!
Sa sobrang takot ni Charm ay tinulak niya ito at nagpupumiglas dahilan para kumalas sa pag kakayapos sa kanya ng Ginoo.
Sanaya ako ito ako ang iyong Bana(Asawa)
Magalang at malumanay na sambit ng Ginoo sa babaeng kaniyang kausap.
Teka nga lang Mister!hindi ako si Sanaya ako si Charm!Oo ako ang gumaganap sa karakter ni Sanaya pero hindi ako yun!kaya pwede ba umalis ka dito!
Ngunit hindi naman nito pinapansin ang lahat ng mga sinasabi niya sa halip ay naka titig lamang ito sakanya na tila sabik na sabik siyang mayakap.
Mister nakikinig kaba sa akin?
Habang nakatingin sakanya si Fides ay naguguluhan naman si Charm kung bakit may naaalala siya sa mga titig ng lalakeng kausap niya..
Teka lang!
Parang nakikilala kita,nag kita na ba tayo dati?
Pagtatakang tanong ni Charm habang titig na titig na ito sa mga mata ni Fides,humakbang si Fides palapit sakanya ngunit mabilis rin siya umiwas dito.
Tila naman na buhusan ng malamig na tubig si Charm ng maalala niya ang lalaki sakanyang panagip na tinawag niyang Fides at kamukhang kamukha ng lalaki na kanyang kaharap at maging ang kaniyang kasuotan ay kaparehas na kaparehas noon.
Halos umurong ang dila nito at hindi na makapagsalita dahil hindi niya mapaniwalaan ang kaniyang nakikita,ilang beses niya pang pinagtatapik ang sariling niyang mukha sa pag aakalang baka nanaginip lamang siya.
Bigla siyang kinabig ni Fides dahilan upang magbalik siya sa kanyang ulirat at muling niyakap ng sobrang higpit at kahit gustuhin man nitong mag pumiglas ay hindi na ito nanlaban pa at hiyaan na lamang ito dahil hangang sa mga sandaling iyon ay tulala parin si Charm.
Hindi nito maintindihan pero tila may kung anong hayop ang naglalaro sa loob ng dibdib nito dahilan ng pagbilis ng t***k ng puso niya.
Ang init ng yakap ng estrangherong ito sakanya at tila kakaiba,hindi niya alam pero tila kilala ng katawan niya ang yakap nito na tila matagal niya ng hinihintay.
Bumalik lang ang kaniyang ulirat ng bigla siya nitong halikan sa kanya labi..