TEAR 2021| ANG MASAKIT NA KATOTOHANAN
CHARM POV
Halos tirik na ang araw ng magising ako pumihit ako pakabila para gisingin si Fides ngunit pag harap ko ay wala ito sa tabi ko.
Napabalikwas ako ng tayo at mabilis nag tungo sa loob ng banyo pero wala din ito doon nakaramdam na ako ng kaba hindi ko rin alam kung bakit.
Habang nag lalakad palabas ay bigla kong naalala ang mga sinabi saken ni Fides kagabi bigla nalang nag unahan ang mga luha ko sa pagtulo sa aking pisngi bigla kung naiisip na nagpapaalam naba siya sa akin kaya niya nasabi ang mga iyon.
°°°°°°
'Sammy! nakita mo ba si Fides?"
Pasigaw na tanong ko dito habang pababa ng hagdanan.
Oh my god!!!!Charm salamat at gising kana!
"Sammy si Fides yung lalaki na nakita mong kasama ko yung pinahiram mo ng damit nasaan siya!?"
Halos pasigaw kong tanong kay Sammy.
"Girl wait ano bang pinagsasabi mo?
Pwedi bang mag pahinga kana muna bawal pa sa iyong magkikilos hindi kapa Okay?"
"Anong Okay pinagsasabi mo Sammy?Pano akong magiging Okay ni hindi ko nga alam kung nasaan si Fides!"
Girl alam mo naiinis nako sayo panay muna lang bukang bibig yung Fides na yan mula ng maaksidente ka sino ba kasi iyon?
What! Ako naaksidente?
"Oo girl na aksidente ka habang nag sshooting kayo para sa huli niyong scene at isang lingo kang walang malay at masaya akong nagising kana makaka balik na tayo ng manila."
Masayang sabi saken ni Sammy habang hawak nito ang mga kamay ko.
Bumalik ako sa kwarto na lutang ang isip ko papaanong na aksidente ako?Mag kasama palang kame ni Fides kagabi at halos araw araw kaming nag pupunta sa batis at naglillibot sa paligid ng isla kaya paanong nangyaring isang lingo akong walang malay?
Pakiramdam ko ay sinipa ng isang libong kabayo ang dibdib ko halos di ako makahinga at panay ang patak ng luha ko at diko narin na malayan na dahan dahan na akong napa upo sa sahig habang umiiyak.
Alam kong hindi iyon panaginip alam kung totoo si Fides at mag kasama kami kagabi!Niyakap niya ako ng mahigpit!Hinalikan at binigay ko ng buong buo sakanya ang sarili ko!
Gulong gulo ang isip ko ng mga oras na yun at pinilit kung mag hanap ng kahit anong bagay sa loob ng kwarto ko na magpapatunay na kasama ko si Fides at hindi ako na nanaginip.
Hinanap ko ang itak niya sa ilalim ng kama dahil alam kung doon ko lang yung nilagay pero wala.Naalala ko din na pinag palit ko siya ng damit at sinubukan ko ding hanapin ang hinubad niya pero wala din iyon sa banyo.
Halos sabunutan kuna ang sarili ko pakiramdam ko ay mababaliw nako.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pag tingin ko ay si Sammy iyon at si Lukaz mabilis niya akong pinuntahan at inakay patayo at niyakap niya ako habang tinatapik ang balikat ko.
"Tahan na Charm,ano bang nangyari sayo at nag wawala ka?"
Mahinahong tanong sakin ni Lukaz habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Lukaz tulungan moko hanapin natin si Fides please."
Tila nagulat naman ito sa sinabi ko at tinitigan ako ng deretcho sa mata.
"Charm walang Fides okay?Si Fides ay isang magiting na mandirigma at namatay noong July-24-1519 isang araw pag katapos mamatay ng asawa niya mula sa paglusob sakanila ng mga dayuhang banyaga ay kinitil ni Fides ang sarili niya upang makasama niya ang asawa niya sa kabilang buhay. "
"Charm limangdaan at dalawang taon(502) na ang nakakalipas mula ng mamatay si Fides ngaun ay parte nalang sila ng makasaysayang kwento ng bansa natin."
"Remember Charm kaya nga nandito tayo ngayon sa isla na ito dahil binuhay natin ang kwento nila si Vince at ikaw ang gumanap sa katauhan nila at ito mismong lugar na kinatatayuan natin ang makasaysayang isla kung san sila nagka kilala."
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa lahat ng narinig ko alam kung hindi magsisinungaling sakin si Lukaz pero hindi ko matangap lahat ng sinabi niya.
Hindi patay si Fides paano ako?Kung matagal na siyang patay sino yung nakita at nakasama ko?Kung patay na siya papano niya pa ako babalikan tulad ng sinabi niya sa akin.
Sunod sunod ang tanong sa isip ko maghapon akong nag kulong sa kwarto at hindi rin ako kumain buong araw paulit ulit kung binabasa ang binigay ni Sammy na script ng kwento nila Fides at Sanaya na ginamgampanan naming dalawa ni Lukaz.
Kung hindi ako nag kakamali nag kita kami ni Fides nung gabing bigla nalang may kumalabog sa loob ng banyo ko at pag bukas noon ay siya ang nasa loob ng banyo ko tandang tanda kupa na July-17-2021 ang petsa noon at isang lingo na kaming mag kasama mula kahapon.
Pero ang sabi nila Isang lingo din akong walang malay at ngayong araw ay July-24-2021 at ngayong araw nawala si Fides at ayon sa kwento ay July-24-1519 naman siya namatay ang ibig sabihin ngayong araw ang anibersaryo ng pagkamatay niya?
Halos mag damag akong umiyak at mag uumaga na naka tulog hindi ako makapaniwala na isang panaginip lang pala lahat ng nangyari ngunit alam kung dumating siya at nag kita talaga kami hindi ako pwedeng magkamali yung halik at yakap niya ramdam ko parin sa puso at isip ko pero sinasampal ako ng katotohanan na panaginip lang ang lahat.