YEAR 2021| PAGSUSUMAMO
Lumabas ako ng resthouse at naglibot libot ako sa paligid ng cottage halos wala ng tao sa isla at kami nalang ang natira dahil ayon kay Sammy ay nauna ng bumalik ang mga Staff ni Lukas at ang derektor maging si Vince ay wala nadin sa isla ng mayari ang huling Scene namin.
Nililibot ko ang paningin ko sa buong isla bumalik na naman sa isip ko si Fides at lahat ng alaala na ginawa namin ng mag kasama at nag uunahan na naman ang mga luha ko sa pag patak.
Ilang beses kong sinigaw ang pangalan niya hangang sa nakita ko nalang ang sarili kong naka luhod sa buhanginan at halos sabunutan kona ang sarili ko mababaliw nako sa kakaisip kung paano ko siya pababalikin sa buhay ko.
Hindi ko matanggap na isang panaginip lang ang lahat ng nangyari alam kong kasama ko siya at alam kong nakita siya ni Sammy pero nagtataka ako bakit walang maalala si Sammy.
Ramdam ko sa puso ko na totoo ang lahat ayokong paniwalain ang sariling kong hindi na kailan pa babalik si Fides hindi ko kaya ang ganoong pakiramdam bpara akong mababaliw!.
Ramdam kong may lumapit sa akin at inakay ako patayo at niyakap ako nito umaasa akong si Fides iyon ngunit nagkakamali ako.
Please Charm itigil mo na to!hindi ko kayang nakikitang nagkakaganyan ka ilang araw kana din hindi nakakatulog ng maayos halos maghapon kang umiiyak at wala na din sa oras ang pagkain mo.
Charm kagagaling mo lang sa aksidente kayat sana wag muna man pabayaan ang sarili mo kahit ilan beses kung ipaliwanag sayo na parte nalang ng isang kwento si Fides hindi ka parin maniniwala sa akin.
Charm look at me,kung hindi mo matanggap na patay na si Fides maniwala kana lang sa Reincarnation okay?
Kung gusto mo talagang bumalik siya sayo dapat nga hindi ka matakot na namatay siya ehh dahil sa paglipas ng maraming taon mabubuhay ulit siya sa pangalawang buhay kung 502 years na siyang wala siguro naman ay naka pag reincarnate na siya ngayon sa kasalukuyan.
Hindi ko sinasabing umasa kasa paniniwala ng ilang tao sa Reincarnation pero sana harapin mo ang tunay na buhay.
Nalaman ko kay Sammy na matagal mo ng napapanaginipan si Fides siguro nabuhay lang sa alala mo pag katao niya lalo pat nandito tayo sa lugar na kinalakihan niya.
Kung alam ko lang na ganyan ang magiging epekto sayo ng istorya ng buhay nila ay hindi nalang kita dinala dito im sorry Charm kasalanan ko kung bakit nahihirapan kang tanggapin ang katotohan.
Ilang minuto pa akong tulala lang at nakatingin sa dagat at narinig kong nag paalam na sa akin si Lukaz at sinabing hahayaan niya na muna akong mapag isa.
Hihintayin kita at hihintayin ko ang pagbabalik mo tulad ng pinangako ko sa iyo na kahit gaano pa katagal kaya please lang Fides ipangako mo rin sana na tutuparin mo ang pangako mung babalikan moko at sa oras na magkita tayo ipinapangako ko sayong ipapa alala ko sayo kung gaano natin kamahal ang isat isa.
******
Nang gabing iyon ay sinabi sa akin ni Sammy na kailangan na daw naming mag ayos ng gamit dahil bukas ng umaga ay babalik na kami sa manila nakiusap pa akong mag paiwan muna sa isla pero hindi na rin daw pwede dahil uuwi na bukas ang may ari ng Private resort.
Nung ding gabi na yon ay nag punta ako sa bahay ng caretaker kinausap ko ito tungkol sa extension ko sana sa pag iistay sa lugar kaso hindi na daw talaga pwede dahil dadating na bukas ang batang may -ari ng resort.
Bumalik ako sa kwarto ko ng malungkot hindi ko kayang iwan ang isla nais kong doon na tumira para hintayin ko ang pagbabalik ni Fides.
Kaya nung gabi din iyon ay gumawa ako ng sulat para sa may ari ng private resort kasulatan na willing akong ibenta lahat ng pag mamay-ari ko sa manila mabili ko lang ang resort kung hindi man ay kahit kalahati lang ng lupa isla.
Pag gising ko ng umaaga ay handa na lahat ng gamit namin at naghihintay na din si Lukaz at Sammy sa may Yate bago ako umalis ay nag punta muna ako sa caretaker ng resort at nakisuyo akong ibigay ang sulat ko sa may-ari.