December 2019
Suot ang magandang white dress ay tumayo ako sa harap ng salamin upang tingnan ang kabuuan ko.
Iginiya ko ang mga palad ko sa suot kong satin white dress na gawa ni Aemie. Dama ko ang dulas at lambot ng tela nito na kumikinang kapag natatamaan ng sinag ng araw. Napapalamutian ito ng mga beads sa may bandang dibdib. Its a mermaid cut sweetheart neckline dress. It fits my body perfectly.
Nahagip ng mga mata ko ang bouquet of roses sa may make-up table. Amoy na amoy ko ang humahalimuyak na bango ng mga puting rosas na bigay niya.
I don a simple make-up at itinirintas ko ang buhok ko at ipinaikot ito sa may ulo na nagmukhang korona. Kumuha ako ng isang pirasong rosas galing sa aking bouquet at inipit iyon sa gitna ng pinag tirintasan ko.
Finally, my simple bride look is complete.
I never thought this day would come.
Inaagaw ng nagniningning na diamond ring sa kaliwang kamay ko ang paningin ko.
"You're getting married Jas." Nakangiti kong sambit sa sarili ngunit kasabay nun ay ang pag-agos ng masaganang luha sa aking mga mata.
Pabalik-balik ang tingin ko sa screen ng cellphone ko. Nagtatalo ang isip ko kung sasagutin ko ba ang text niya, pupuntahan ko siya o babalewalain ko nalang ang lahat.
Muli kong binasa ang text niya. " Jas I'll be waiting here."
Paano nga ba makalimot sa nakaraan kung paulit-ulit mo itong binabalik-balikan? Mga magagandang alaala nalang nila ni Rain ang tanging hawak ni Jasmine sa kasalukuyan. Alam niya sa sarili niyang kailanman ay hindi na niya ito mababalikan pa. Ngunit paano kung isang araw ay tila pinaglaruan sila ng tadhana? Sa muli ba nilang pagkikita ay matutuldukan na ang pag-ibig na hindi naipagpalaban o muling titibok ang puso niya sa taong kailanman ay hindi nawala sa kanyang isipan.