👋Maligayang pagdating sa aking pahina!
💪Ginagawa ko ito tuwing nagpapahinga.
📜Hindi man ito kasing ganda ng ibang akda
❤Sana ay subukan mo paring basahin dahil tiyak kong maghahatid ito ng tuwa.
😇Magustuhan mo sana ang ibabahagi ko,
💭Mga kuwentong likha ng imahinasyon ko
😀Alam mo ba, sekreto lang natin ito,
❤Wala kasing nakaka alam na may malikot akong mundo.
❤Nagsusulat dahil ito\'y nagpapasaya ng puso ko
💏Mga tauhan sa kuwento ko
Bunga ng bawat tugs..tugs..tugs.. ng damdamin ko.
👍Sana akoy iyong samahan,
📖Sa bawat pahina na pinagpaguran
👍This will make you feel better
😂Kahit na may mga character na bitter sa ibang chapter,
😘Sigurado naman akong magtatapos sa happily ever after.
PAG-IBIG
Animo'y naubusan ng dugo sa putla si Mia nang ipakilala ng mag-asawang Fuchs si Phineas. Ang estrangherong kaniyang sinuntok at tinadyakan thirty minutes ago sa loob ng airport.
Hindi naging maganda ang nagdaang araw ni Mia sa mansiyon simula nang dumating si Phineas. Inis na inis siya sa ginawa nitong pagkuha ng litrato habang magkatabi silang natutulog.
Nawindang pa siya nang bigla nalang nagbakasyon si Miss Ivy at ibinilin nito sa kaniyang gumawa ng paraan para hindi umuwi ng Germany ang kaniyang mainiping unico hijo.
Hindi alam ni Mia kung ano ang gagawin kay Phineas na palagi nalang siyang iniinis at hindi siya sineseryoso. Sabi pa nito’y she effortlessly beguiled him with her cute curves on her lips na mas lalo pa niyang ikina bwesit ang tono nitong sarkastiko.
Sa pagdaan ng mga araw ay nagamay din ni Mia kung paano pakisamahan si Phineas. Hindi niya akalaing aabot sa puntong hindi niya naasahan ang pusong pigilan ang nararamdaman at naisuko ang lahat sa lalaki.
Akala ni Mia ay maayos ang lahat hanggang sa isang umaga’y naabutan niya si Phineas na nagmimilagro sa sariling kuwarto kasama ang isang babae.
TRAHEDYA
Pinatay ni Mia ang kaniyang sarili sa mata ng lahat ng nakakakilala sa kaniya.
Sinabayan niya ang isang trahedya na kinasangkutan niya at ng kaniyang pamilya.
Upang paghandaan ang paghihiganti sa walang awang umubos ng buhay ng kaniyang pamilya ay umalis si Mia ng San Martin dala ang nakakakilabot na karanasan at ang sakit ng pag-ibig na kaniyang labis na pinagsisisihan.
Paano kung sa pagkalipas ng tatlong taon ay dalahin si Mia ng kaniyang paghihiganti pabalik sa San Martin at makitang muli si Phineas?
Mapanindigan kaya niya ang binuong bagong mukha at pagkatao? O tuluyan ng susuko ang kaniyang puso?
YVE UMBRIE
She waited and waited.
For days.
For months.
For a year.
She never gets tired of loving. She never gets tired of waiting for her beloved. Until one day, she realizes that trusting him was a mistake. It breaks her heart, but unviel the truth.
CHARLES CHOLO
Sad to think, hard to accept. His unrequited love breaks his heart every day. It feels like going through hell!
Unwanted,
unloved,
and unfair.
His feelings are valid. His pain is real.
What if these two wounded hearts meet? Will they find what they are both looking for?
Nothing hurts more than being betrayed by someone you love.
Iyan ang naramdaman ni Reyna nang matuklasan niya ang pagtataksil ng kanyang ama sa kanilang pamilya.
Mulat man sa marangyang buhay, mas pinili ni Reyna na mamuhay ng simple sa poder ng kanyang Auntie Vanessa dahil hindi niya kaya ang klase ng living set-up na meron ang kanyang mga magulang.
Isang umaga niyanig ng malungkot na balita ang mundo ni Reyna, bumagsak ang kumpanya ng Jhudwung Company kung kaya'y hindi na nito kayang bayaran ang mga obligasyon ng mga scholars nito sa Whiz Franklin University kung saan siya nag-aaral bilang university scholar ng nasabing kumpanya.
Habang nasa kalagitnaan siya ng problema, isang Filipino-Japanese Kanji Fujisawa ang lumitaw na parang kabute sa buhay niya. Ang nag-iisang lalaking nag order ng beer sa cofee shop kung saan siya ay barista.
Na wewerdohan man, napilitan siyang gawin ang isang bagay para sa lalaki, dahil ang scholarship na pinakaiingatan niya ay tanging Kanji lang ang makakasalba.