MONTEVISTA SERIES:
1. Maging Wakas (Completed)
2. The Lust Bet (Completed)
3. Back Into You
4. Romantic Obsession
STAND ALONE STORIES:
1. Hieress For Hire Book 1 (Completed)
2. The Heiress Vengeance
3. First Fight, First Kiss
Mawala na ang lahat ng bagay kay Kashien huwag lamang ang kanyang pinakamamahal na anak. Ngunit sa kamay ng sarili nitong ama— na si Eres Juan Montevista ay mukhang nagbabadya yata na mangyari ang kanyang kinatatakutan. Lalo pa at malaki ang galit nito sa kanya dahil sa pagkakamaling ipanaako niya sa ibang lalaki ang dinadala niya noon.
Kaya bago pa mangyari na makuha nito ang buong kustodiya sa bata ay nagdesisyon si Kashien na kidnapin ang sariling anak at ilayo sa ama nito.
Subalit lingid sa kanyang kaalaman ay mas nakalikha lamang siya ng panibagong usok na magpapatindi sa apoy ng galit ng lalaki. Hanggang sa nakita na lamang niya ang sariling humihimas ng rehas habang nagmamakaawang palayain siya nito. Pinagbigyan naman siya nito ngunit may kapalit and she had no choice but to accept it. Kahit pa na ang kapalit ay ang maging estranghero sa buhay ng sariling anak, makasama lamang ito. She didn't mind being a nanny to her own son.
MONTEVISTA SERIES#3
Pinagtagpo ng tadhana sa kabila ng kakaibang sirkumtansya. Isang lalaking duguan ang natagpuan ni Sanya Midel kasama ang kaibigan. Noong una ay inakala niyang isa iyong modus operandi kaya habang bit-bit ang balisong ay nilapitan niya ang lalaki. Naliligo ito sa sariling dugo at humihingi ng tulong.
Dinala niya ang estranghero sa isang pribadong ospital kung saan doctor ang kababata niyang si Renai—Lihim niyang sinisinta.
Akala niya ay hanggang doon na lamang ang responsibilidad niya sa estrangherong tinulungan. Subalit sa kakatuwang pangyayari, ay wala itong ma-alala sa nakaraan nito. Sa huli ay kinukop-kop at binigyan ng pangalan. Hanggang sa huli, hindi na niya namalayan na pati ang puso niya ay naibigay na rin pala niya rito.
Maari bang mahalin ang lalaking nawalan ng ala-ala? O maari ba'ng magmahal ang lalaking nawalan ng ala-ala sa nakaraan?
Fight at first sight. Iyan ang unang pagtatagpo ni Alvior Gomez at Reed Hoftsman. Simula pagkabata pa lang ay matindi na ang inis ng lalaki sa kanya. Nagsimula ang lahat noong makita at ampunin sila ng kanyang kapatid na si Concon ng mag-asawang Hoftsman-mga magulang ni Reed- sa isang fast-food chain dahil ang magaling niyang ina ay iniwan sila sa hindi malamang rason. Doon ay isinumpa na siya ng lalaki na pahihirapan ang kanyang buhay. Tinupad nito iyon hanggang sa sa sumapit sila sa parehong edad na bente-kwatro. Walang katapusang bangayan kapag sila'y nagkakasama. Aso't pusa ang turingan. Kung gaano kabuti ang mga magulang nito sa kanilang magkapatid ay iyon naman ang sama ng ugali nito sa kanya. Sa kanya lang talaga ito ganoon, dahil sa kapatid naman niya ay maayos ang turingan ng dalawa. At dahil palagi itong ganoon makitungo sa kanya ay tinapatan na rin niya ng mas higit pa. That's why, palaging nakaabang ang mga katulong sa salpukan nilang dalawa para umawat. Hindi batid ni Alvior kung bakit palagi siyang pinahihirapan ng binata. Reed was definitely an ideal man to every girls but for Alvior, he was a mistakenly species who has a perfectly good features. Perfect life, perfect career at perfect din sa kasamaan ng budhi. Yes, that was Reed for Alvior.
Hanggang saan aabot ang bangayan ng dalawa? Mauuwi ba sa love ang hatred na itinanim nila sa isat-isa?
Percess Bellefonte— isang elitistang tinakasan ang kanyang mundong ginagalawan. Nakakabulag na karangyaan ang sa kanya'y sumasakal. Kaya naman, baon lamang ang lakas ng loob at kaunting pera ay napadpad ito sa pook ng Cadena De Amor—lugar kung saan ang kanyang puso ay hindi niya inaasahang matatali at walang balak na makaalis pa.
'Makaganti' ito ang tanging laman ng puso ni Olivia Cosme para sa lalaking una niyang minahal. Dobleng sakit ang nais niyang maranasan nito.
Nagbalik siya upang maningil.
Matitikman nila, ang lupit ng ganti ng isang heredera.
MONTEVISTA SERIES#2
Sa isang simpleng pagkakataon habang nagpapakain si Heina ng mga itik ay siyang bigla namang pagsulpot ng tila haring umasta na binata- Dylux Montevista-Arogante at sobrang yabang na tagapagmana ang napadpad sa kamalig sakay ang itim na kabayo nito. Tinawag pa siyang dukha at alipin. Kasabay niyon ang pagyaya nito ng karera ng kabayo sa kanya.
Ngunit ang paligsahan na ito ay hindi lamang simpleng karera kundi isang pustahan sa pagitan nilang dalawa. Laking panibugho ng dalaga sapagkat natalo siya sa labanan nilang iyon.
Lumipas ang maraming taon at muling bumalik si Heina sa probinsya bilang isang ganap na Doctor ng mga hayop. Ang akala niyang pustahan na binaon na ng taon ay siya pa muling magiging dahilan ng pagtatagpo nila ni Dylux upang singilin siya sa pagkakatalo niya sa karera. Subalit, hindi isang simpleng bagay ang gusto nitong kabayaran, kundi ang maging ina ng magiging anak nito. At siya lang daw ang tanging gamot sa pagiging impotent nito dahil siya lang ang tanging nakakapagpatayo ng sandata nito.
Pero paano kung matuklasan niya ang nililihim nito sa kanya? Magagawa ba niyang diktahan ang pusong na muling magtiwala sa lalaking sa una palang, ginawa ng laro ang pagibig.
Bayani ang turing sa balikbayan na mga OFW na tulad ni Olivia Cosme. Kumayod sa ibang bansa upang matugunan ang pangangailangan ng pamilya. Ngunit paguwi niya ng Pilipinas, ang inaakalang mansyon ay isang tagpi- tagping gawa sa kahoy ang nadatnan. Kaya no choice siya kundi ang kumayod muli.
Enter, Gaurish Del Fredo---isang malupit na CEO ng isang pinakamayamang kompanya. May abuhing mata na kayang mag-patibok ng mga kababaihan. Walang ibang agenda sa buhay kundi mahanap ang nag-iisang tagapagmana ng pamilyang Pajanel. Miski inupahang detective ay hirap rin sa paghahanap. Ang siste, e'di maghanap na lang nang uupahang tagapagmana.
Sa kasinungalingan pinasok ng dalawa ay paraan pala upang malaman ni Olivia ang tungkol sa tunay niyang pagkatao. Kasabay ng pag-usbong nang damdamin na pilit na nasasaktan dahil ang lalaking si Gaurish, ay nakatakda na pa lang ikasal.
When lies and thruth collide, maaari ba itong mag-resulta ng pang panandaliang kasiyahan? O, tanging pang habang-buhay na sakit?
MONTEVISTA SERIES#1
Ten years of sentence in prison, iyon lang naman ang pinagbayaran ni Novah Calleja sa kasalanang hindi niya ginawa. Pinakulong siya ng dati niyang kasintahan—Sepp Cervancia—dahil ang buong akala nito ay siya ang pumatay sa ama nito. Base na rin kung paano sila naabutan nito sa hotel. At nang makita nito ang katawan ng ama na wala ng buhay ay aagad itong nagpatawag ng pulis upang dakpin siya at ikulong sa loob ng maraming taon. Hanggang sa nabigyan siya ng parole.
Sa kanyang paglabas ay dito niya makikilala ang lalaking si Ravi Montevista-naguumapaw sa kabuuan nito ang pagiging ruggedly handsome. When she first saw him, agad siyang may naramdamang kakaiba sa kanyang dibdib. It was a familiar feeling but she couldn't give it a name.
But in the end, ito rin pala ang wawasak sa puso niyang pinipilit niyang buuin para sa lalaki.
Paano aahon ang isang babaeng patong patong na pighati ang kinakaharap?