BLURB
Hindi akalain ni Jenica Sandoval na ang simpleng paghanga niya sa kaniyang matalik na kaibigan ay mauuwi sa isang tunay na pag-ibig. Pag-ibig na alam niyang walang patutunguhan. Minahal niya at inibig si Skylar Falcon sa kabila ng pagiging isang bakla nito. Ginawa niya ang lahat para lamang mahalin siya nito. Ngunit sadyang mahirap turuan ang pusong iba ang gusto.
Handa siyang masaktan at magparaya alang-alang sa pagkakaibigan nila.
Ano ang kaya niyang gawin para mahalin at ibigin siya ni Skylar? Kaya nga bang turuan ang pusong iba ang gusto?
BLURB
Nagmahal at nasaktan sa isang taong akala niya ay makakasama na niya habang buhay. Ngunit dahil sa isang bagay na hindi niya kayang ibigay nagawa siyang lukohin at paasahin sa wala ng taong mahal niya. Sabay na nangarap para sa kanilang kinabukasan. Ngunit sadya yatang may mga bagay na hindi puwedeng ipilit.
Charina Concepcion maganda at mabait na anak. Isang linggo bago sumapit ang kasal ng kaniyang kasintahan nang makita niya na may ibang babae itong kasama sa kama. Halos gumuho ang kaniyang mundo dahil sa kaniyang nakita. Isang sampal ang binigay niya sa taong sinaktan siya. At dahil labis siyang nasaktan galit at poot ang kanyang nararamdaman sa mga lalaki.
Sa kagustohan niyang makalimot, nagpunta siya sa isang Isla ng Romblon kung saan nandoon ang kaniyang Yaya.
Pagbaba niya ng barko, isang guwapo at matipunong lalaki ang kaniyang nasampal at napagkamalang manyak.
Sa pagtigil niya sa Isla isang pag-ibig ang kaniyang natangpuan sa katauhan ni Mayor Geoffrey Aclan. Ang lalaking muling magpapatibok sa sugatan niyang puso. Ang lalaking gagawin ang lahat para muling magkrus ang kanilang landas.
Mapapabago kaya ng isang playboy ang isang man HATER?
Muli kayang buksan ni Charie ang kanyang puso para kay Geo?
Magtagpo kaya ang dalawang pusong ang tanging hangad lamang ay mahalin at magmahal?
Masasabi kaya nila sa isa't isa ang salitang. . . BECAUSE OF YOU
BLURB
Kian Molina, 29 years old, gwapo matangos ang ilong, mabait, mayaman. Isang vice mayor sa isang Isla ng Romblon. Nasaktan at nagmahal sa isang babaeng may mahal ng iba.
Dahil sa trabaho niya bilang isang vice mayor kailangan niyang tulongan ang mga kababayan niyang walang-wala.
Sa pagmamadali niya muntik na niyang masagasaan ang isang babae na magpapabago sa kanya. Isang babae na unang pagkikita nila ay sinungitan siya at ubod ng maldita.
Namangha siya sa taglay nitong ganda may matangos na ilong mahahabang pilik mata. At higit sa lahat ang nag-iisa nitong dimple sa kaliwang pisngi na nakakaakit kapag tumatawa ito.
Minahal niya ito ng lihim araw-araw niya itong pinupuntahan sa center kung saan nagtratrabaho ito bilang isang bhw worker. Kahit na lagi siya nitong tinatarayan at sinusungitan hindi siya tumitigil na dalawin ito.
Sa hindi inaasahan na pangyayari, kinausap siya ng lolo nito na nag-aagaw buhay na. Hiniling sa kanya nito na pakasalan niya ang apo nito.
Hindi siya nagdalawang isip at tinupad niya ang kahilingan ng lolo nito. Dahil mahal niya ang apo nito.
Maysisa Delos Santos, 25 years old, maganda, mabait, masunurin at gagawin ang lahat para sa kanyang lolo na may sakit. Ngunit may ugali siyang ubod ng maldita at suplada. Lumaki siya sa kahirapan. Dahil sa kahirapan hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Nag trabaho sa Manila bilang isang factory worker. At dahil sa may sakit ang lolo niya. Kinakailangan niyang umuwe ng Romblon.
Lumaking hindi man lamang nakikilala ang mga tunay na magulang. Lumaki siya sa mabubuting pangaral ng kanyang mahal na lolo. Isang bhw worker sa kanilang lugar.
Isang araw sa hindi inaasahan na pagkakataon magtatagpo ang landas nila ni vice mayor. Muntik na siya nitong mabangga. Tinarayan at sinungitan niya ito.
Ngunit isang araw magbabago ang lahat dahil sa kahilingan ng kanyang lolo.
Pumayag kaya siyang magpakasal kay Kian kung hindi n'ya naman mahal ito? Kung masama ang tingin niya rito?
Matutonan kaya niyang mahalin si Kian kung may mahal siyang iba?
Handa ba si Kian na pakawalan si Maysisa kung ito na ang mundo niya?
Kaya bang ipaglaban ni Kian ang pag- ibig niya kay Maysisa kung siya lamang itong nagmamahal?
O, ipaglalaban pa niya ito kahit nasasaktan na siya?
Masasabi kaya nila sa isa't isa ang salitang. . . BECAUSE OF YOU.
Abangan. . .
BLURB
PAANO kung magising ka na lang na wala na 'yong taong pinakamamahal mo? Na kahit anong gawin mo ay hindi na siya babalik sa 'yo? Makakaya mo kayang mabuhay kung ang pinakamamahal mong tao ay iniwan ka sa panahong kailangan mo siya. At sa panahon na kailangan mo ng karamay.
Makikilala mo ang isang tao na lalong magpapalugmok sa 'yo sa kalungkutan. Magagawa mo ba siyang patawarin kung pag-ibig na mismo ang nag-uudyok sa nararamdaman mo sa kanya?
Matthew Allarcon, isang guwapong lalaki. Mabait, mayaman, at 5'5 ang taas. May mabuting puso para sa kanyang mga kababayan na tinitingala sa larangan ng politika.
Isa siyang Governor sa lalawigan ng Romblon. Sa edad niyang biente nuebe anyos ay na halal siya bilang gobernador sa kanilang bayan. Dahil sa taglay niyang kabaitan at kagalingan ay minahal siya ng kanyang mga nasasakopan.
Mula nang mamatay ang kanyang asawa ay napabayaan na niya ang kanyang sarili at trabaho. Pati sarili niyang anak ay napapabayaan na rin niya.
Sa kagustohan niyang makalimot ay nagtungo siya sa isang isla ng Romblon kung saan doon niya makikilala ang babaeng muling magpapatibok sa kanyang puso.
Isang babaeng nagpahiya sa kanya sa harap ng maraming tao. Pinahiya siya nito at dinungisan ang kanyang pangalan. Isa siyang matapang na babae at hindi takot sa kanya kahit isa pa siyang gobernador.
At dahil dinungisan ng babae ang kanyang pangalan ay denimanda niya ito at pinakulong. Ngunit sa kabila nang lahat ay nagmakaawa ang babae upang iurong ang demanda at huwag siyang ikulong. Subalit nakipag kasundo ito sa kanya, isang kasunduan na magpapalapit sa kanila sa isa't isa.
Isang kapirasong papel ang mag-uugnay sa kanila tungo sa tunay na pag-ibig.
Ivy Chezelle Madrigal, isang simpleng babae, maganda, palaban, at walang kinakatakotan. Ang tanging hangad lamang niya ay makatapos sa kanyang pag-aaral. At dahil mahirap lang sila ay napilitan siyang mag-apply ng scholarship sa kanilang gobernador.
Ngunit tinanggihan siya at hindi pinirmahan ang kahilingan niyang scholarship. At dahil doon galit ang naramdaman niya para kay, Matthew. Ipinangako niya sa kanyang sarili na kahit ito na ang huling lalaki sa mundo ay hindi niya ito magugustohan.
Sa kanilang pag-kikita ay pinahiya niya ang lalaki sa harap ng maraming tao. Pinagsigawan niya ito at sinabing walang kuwentang gobernador. At dahil sa ginawa niya ay nasira ang iniingatang pangalan. Dinemanda at pinakulong siya nito. Ngunit nag-makaawa siya dito at pumayag na lamang sa isang kasundoan. Kasundoan na magtutulak sa kanya para mahalin ang lalaki.
Mababaliwala ba ang pangako niya sa kanyang sarili na hindi niya mamahalin si Matthew? Kung mismong puso niya ang kanyang kalaban?
Makakaya kayang ipaglaban, ni Matthew si Ivy sa mga magulang niya?
Masasabi kaya nila sa isa't isa ang salitang. . . . BECAUSE OF YOU?
Tunghayan ang kwento ng pag-ibig nina Matthew at Ivy na maghahatid sa inyo sa kulongan este magbibigay sa inyo ng kilig at saya.
Abangan. . .