Story By Red Mayumi
author-avatar

Red Mayumi

bc
Tiara Martha (Aswang Princess)
Updated at Dec 7, 2020, 06:57
Si Tiara ay mula sa angkan ng maharlikang aswang. Siya ay bunga ng pag-iibigan ni Maria na isang aswang at ni Macario na isang karaniwang tao. Sa San Vicente ay malupit na ipinagbabawal na umibig ang isang aswang sa normal na tao sapagkat nagdadala ito ng kapanganiban at kapahamakan sa kanilang lahi. Dahil sa pagkakasalang ito ni Maria, ang kanyang ina na si Elena at kanilang angkan ay ibinababa sa pangkat ng mga Untusan, pinakamababang antas ng aswang. Ngayon ay magkapiling si Tiara at ang kanyang Lola Elena sa lugar na ito na kung saan ay ninanais kitlin ang buhay ni Tiara sapagkat para sa mga aswang ay hindi siya kabilang sa kanilang lahi. Ano kaya ang buhay ni Tiara sa lugar na kung saan siya lamang ang kakaiba. Magawa kayang maprotektahan siya ng kanyang lola? Ano kayang kinabukasan ang naghihintay sa kanya?
like