Epoch (n.) a particular period of time that is very important in history or person's life
***
"Oo na. Pumapayag na ako."
"I love you."
"Ano 'yun? Ipaliwanag mo sa akin ang lahat makikinig at paniniwalaan ko lahat ng sasabihin mo."
"Nagkakalokohan na lang ba tayo rito? Akala ko ba'y tapos na ang lahat pero bakit may karugtong pa pala?."
"Mahal na mahal kita pero..."
***
Masaya naman si Charlotte ngunit sa kabila nito ay tila may kulang pa siyang hinahanap. Ito bang pagkukulang na ito ay bunga ng pinanghahawakan niyang paniniwala?
Nagsimula ito dahil sa isang trahedya sa buhay niya noong nasa elementarya pa lamang siya. Dahil do'n naitatak niya na sa kanyang isipan na karugtong nang kasiyahan ang nakaraan ng isang tao. Naniniwala siyang mangyayari muli sa kasalukuyan ang nangyari noon sa nakaraan na para bang isang napaka-laking cycle ang buhay ng tao. Halimbawa niya na lamang dito ay ang kasiyahan ng tao, maaaring masaya ka ngayon ngunit maaaring mapalitan ito ng pighati kinabukasan at mauulit muli.
Pero simula nang dumating si Finn sa buhay niya ay nagkaroon siya ng pag-aagam-agam sa paniniwala niya.
Lahat ba talaga na nangyari sa nakaraan ay mauulit muli sa kasalukuyan?
Hindi ba dapat ihanahalintulad ang nakaraan sa kasiyahan ng isang tao?
Isang cliché nga ba na istorya ang tungkol sa isang lalaki at isang babae na nafall sa isa’t isa kahit na hindi nagging maganda ang una nilang pagkikita?
At nakadagdag sa pagiging cliché nito ay ang ang arrange marriage nila.
Napaka-cliché ano?
Lahat ng tao ay may kanya-kanyang lovestory. Maaring may pagkakatulad sa proseso kung paano mararating ang katapusan.
Pero tandaan na ang bawat isa ay magkakaiba ng katapusan.
Sundan ang kwento ng isang malanding babae at ng isang lalaking tinatawag na Don Juan…