Heredera: Queen's RevengeUpdated at Nov 14, 2021, 04:27
Si Don Luciano Martin ay isang matandang may madadaming negosyo, nabibilang dito ang Don Martin Shipping Transportation at L.Martin Sardines Industry. Siya ay balo na , may mga anak sya na may mga pamilya at negosyo na din.Sa kanyang katandaan ay nakakainda na sya ng mga iba’t ibang karamdaman dala ng mga taon, siya ay nasa 76 taong gulang.
Dahil sa mga kayamanan , ari-arian at mga na pundar nito sa mahabang mga taon at ilang dekada sa pagnenegosyo ay tinuturing nga syang mayaman.Dahil sa kanyang mga pamana ay hindi talaga maiiwasan ang kasakiman at kasuklamsuklam na intensyon ng kanyang mga anak.Pinipilit lang naman syang permahan ang mga bagay bagay at magretero nalang sa larangan ng pagnenegosyo at hayaang ipamana ito sa kanyang mga anak at mga ka-apohan ang kanyang mga negosyo total naman ay matanda na ito at ano ‘mang oras ay pwede syang mawala.
Pero si Don Luciano Martin ay may hinihintay at hinahanap, matagal ng panahon ang nakakalipas.Bukod sa biniyayaan sya ng mga magandang pamumuhay,kayamanan, mga apo’t anak ay hindi pa din nya lubos na masasabing sya ay kontento at masaya na.Sapagkat may kulang pa.
Tunghayan natin ang kwento ni Don Luciano Martin, at sabay sabay nating tuklasin at alamin ang kwento ng kanyang buhay at ang nawawalang Heredera ng mga Martin?
Kilalanin ang mga bawat karakter at ang mga personalidad at mga ugaling tinatago nito?Ano kaya ang madilim na lihim ng mga anak ni Don Luciano Martin?