Isa po akong OFW. Bata pa lang ako ay pangarap ko na ang mag sulat. October 1, 2022 ako nag simulang mag sulat. Ginag@mit ko ang oras ng aking pahinga, upang gumawa ng nga kuwento na maibabahagi sa inyo. Sana po ay suportahan ninyo ako at sana ay magustuhan ninyo ang mga Stories ko. Pa-F0ll0w na din po ako @IronLady 2581 at sa F*c€bøøk: Jam Nardo. Thank you and God bless 🙏❤️❤️❤️
***List of my Stories***
<[THE ORBIT SERIES]>
1. THE WIDOW\'S REVENGE (R-18+) (COMPLETED - PTR) [ACTION-ROMANCE]
2. THE HEIRESS (R-18+) (COMPLETED – PTR) [ACTION-ROMANCE]
3. ATTORNEY\'S SECRET (R-18+) (COMPLETED – PTR) [ACTION-ROMANCE-COMEDY]
4. THE COLD BODYGUARD (R-18+) (COMPLETED – PTR) [ACTION-ROMANCE-COMEDY]
5. MR. HACKER (R-18+) (COMPLETED – PTR) [ACTION-ROMANCE-COMEDY]
6. CHASING AGENT KATANA (R-18+) (ON-GOING – PTR) [ROMANCE-COMEDY-ACTION]
7. THE FIRST DAUGHTER (R-18+) (COMING SOON!) [ACTION-ROMANCE]
<[THE STORY OF US SERIES]>
1. PROBINSYANA - (R-18+) (COMPLETED – PTR) [DRAMA-ROMANCE]
2. 38 DAYS with the CEO – (R-18+) (COMPLETED – PTR) [DRAMA-ROMANCE]
This story is now available as a book!
3. THE ÇŘ܀٠BILLIONAIRE\'S ØB$€$$ÎØƝ (R-18+) ( COMPLETED – PTR) [ACTION-ROMANCE]
4. TAMING THE PLAYBOY BILLIONAIRE (R-18+) ON-GOING [DRAMA-ROMANCE]
5. THE BILLIONAIRE\'S FIRST LOVE (R-18+) [ROMANCE-DRAMA]
<[MAFIA - ASSASSIN STORIES]>
1. $0ŁÐ TO THE ŘÜŤĤŁ€$$ MAFIA LØRD - SSPG! (COMPLETED – PTR) [ACTION-ROMANCE-COMEDY]
2. THE RUNAWAY HEIRESS - SPG! (COMPLETED – PTR) [ROMANCE-ACTION]
3. THE WORLD\'S MOST WANTED - SSPG! (COMPLETED – PAY TO READ) [ACTION‐ROMANCE]
4. THE MAYOR\'S HIDDEN WIFE - SSPG! (COMPLETED – PAY TO READ) [ACTION-ROMANCE]
5. ONE HOT NIGHT IN MALAYSIA (SSPG!) ON-GOING – PAY TO READ [ROMANCE-COMEDY-ACTION]
6. LIBERTY: THE WORLD\'S MOST WANTED 2 (R-18+) COMING SOON! [ACTION-ROMANCE-COMEDY]
STAND ALONE STORY
1. BOUNDLESS LOVE: A JOURNEY OF A WORKING MOTHER R-18+ (ONGOING-FREE TO READ) [ROMANCE/DRAMA]
2. ELIZABETH: THE PRINCESS\'S PROMISE (R-18+) COMING SOON! [ROMANCE/ADVENTURE–MAGICAL]
Is a marriage contract enough to make you a married couple? Is sharing a house enough to call you a family? Can you endure being openly hurt by the man you married?
Bata pa si Joy Bautista, nang siya'y maulila. Minąltrato ng sariling tiyahin, at tinanggalan ng karapatan sa mga naiwan ng mga magulang, kaya mas pinili niyang tumakas at magpakalayo. Namasukan siya bilang kasambahay sa isang mayamang pamilya sa Maynila. Mabait ang mag-asawang pinagsisilbihan at itinuring siyang pamilya ng mga ito. Ngunit biglang nagbago ang lahat pagdating ng bunso nilang anak.
James "Jay" Del Valle Jr., a happy-go-lucky playboy, is førced into a marriage by his parents as a consequence of his actions with their housemaid, Joy. Cønsumɛd by anger for being tied to a marriage he never wanted, Jay makes Joy's life a living ĥɛll.
"Joy, we're only married on paper. You're not the kind of woman I dreamed of spending my life with... Remember this, you're living in this house because of my parents, not because you're my wife!" -Jay
Bridgette Magtibay, anak sa labas ng isang mataas na opisyal ng Military. Ngunit lumaki siya na masaya at puno ng pagmamahal. Mayaman ang pamilyang pinanggalingan ng kanyang ina at marami silang mga negosyo sa Mindanao. Ngunit biglang nagbago ang lahat ng magkasunod na mamatay ang kanyang Lolo at pinakamamahal na ina. Biglang naging magulo ang kanyang buhay at tila naging kakambal din niya ang panganib. Dahil ito sa ampon na kapatid ng kanyang ina na gustong agawin lahat ang mga minana niya mula sa kanyang Lolo. Binalak din siyang pàt@yin ng kanyang tito, upang masarili nito ang kayamanan ng kanilang pamilya, dahil wala itong nakuhang mana mula sa lolo niya.
Upang maging ligtas ang kanyang buhay ay nagdisisyon ang kanyang ama na i-uwi siya sa bahay ng totoong pamilya nito sa Manila. Inisip ng kanyang ama na matatahimik sila sa Manila, dahil malayo na ito sa Mindanao.
Ano ang magiging buhay ni Bridgette sa Manila, kasama ang kanyang mga kapatid sa ama? Paano kung siya mismo ang maging dahilan, kung bakit malalagay sa panganib ang buhay ng totoong pamilya ng kanyang ama? Makakaya ba niyang tiisin na makita silang nasasaktan at nahihirapan, para sa kanyang kaligtasan?
Police Chief Jonas Cajalne, kinatatakutan sa kanilang departamento, dahil sa husay niya sa kanyang tungkulin. Matinik sa mga babae, ngunit ayaw naman ng commitment. Playboy Cop kung tawagin, dahil sa daming babae ang naghahabol sa kanya. Ngunit isang araw ay natagpuan niya ang sarili na naghahabol sa isang babae na kasing tapang ng tigre, at hindi narunong matakot; kahit nasa gitna ng laban ay wala itong inuurungan.
Christalyn de Mesa, isang best selling author sa Pilipinas at hinahangaan ng maraming readers. Maraming nakakakilala at humahanga sa kanya, dahil sa ganda ng kanyang mga akda at talagang tumatatak ito sa isip at puso ng bawat reader. Marami rin mapupulot na aral sa buhay ang kanyang mga kuwento, at nagbibigay inspirasyon ang kanyang mga sinusulat na kuwento sa kanyang mga readers. Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan at tagumpay bilang isang manunulat ay wala ni isa ang nakakakita at nakakakilala sa kanya. Kilala lamang siya sa kanyang Pen Name na ZAFINA. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon. Magkakaroon ng interest kay ZAFINA si Joseph Legaspi, ang kilalang CEO ng Multi-Billion Company sa Malaysia. Hindi sinasadyang nabasa ni Joseph ang akda ni ZAFINA na may pamagat na "ONE HOT NIGHT IN MALAYSIA". Dahil sa libro ay nahanap ni Joseph ang kasagutan sa kanyang mga tanong, anim na taon na ang nakakaraan. Ngunit ang tanong ni Joseph ay sino si ZAFINA?Paano haharapin ni Thalyn si Joseph, kung ang lalaki mismo ang dahilan kaya siya lumayo at nagtatago sa publiko. Patuloy kaya siyang magpapanggap na hindi siya si ZAFINA, upang mapanating lihim ang kanilang nakaraan ni Joseph Legaspi? Abangan...
Haide Lim, a 20 year-old Filipino-Chinese. A second-year college student, taking up Hotel and Restaurant Management, when her father arranged for her to marry the son of his friend, who owned a large company. Haide opposed her father's wishes, believing herself to be a Filipino with the freedom to choose the man she loved. She refused to follow Chinese traditions. She ran away from home and went to Manila to avoid the arranged marriage to a man she didn't know or have ever met.
Upon arriving in Manila, Haide was robbed of her wallet and phone, leaving her hungry and forced to sleep on the streets. Then she meet a handsome man, Mayor Cody Selvestre. She was amazed by his good looks and athletic physique. He was tall, dark-skinned, with a prominent nose and a deep dimple on his right cheek. Naging magkaibigan sila at tinulungan siya ni Mayor na magkaroon ng tirahan at trabaho. Hanggang sa ang pagkakaibigan nilang dalawa ay nauwi sa pagmamahalan. Lihim silang nagpakasal, dahil ayaw ipaalam ni Mayor sa ina nito ang totoo. Ngunit ano ang gagawin ni Haide sa bagong buhay niya, kasama si Mayor Cody? Kasal sila ni Mayor, ngunit hindi siya nito pwedeng ilantad sa publiko. May fiancè si Mayor at nakatira na rin ito sa bahay ng mga Silvestre.
Makakaya kayang paglabanan ni Haide ang lahat ng sakit at selos sa puso niya, kung sa araw-araw ibang babae ang kasama ni Mayor at iniharap niya sa mga tao? Siya ang legal wife pero nananatiling hidden wife ng isang mayaman at guwapong Mayor na kilala ang pamilya sa lipunan.
Hanggang kailan siya magiging isang lihim?
.
.
.
WARNING‼️🔞🔞🔞
(This story features adult themes and explicit scenes, including strong language and s*xual content. Reader discretion is advised.)
Ella dreams of meeting a man who will love her deeply, accept her for who she is, and cherish her for the person she has become, not for who she was. Nagtrabaho siya sa isang kilalang Mall sa Maynila, bilang isang saleslady at dito niya makikilala si Caleb Chavez. Ang anak ng nagmamay-ari ng Mall na kanyang pinagtatrabahuan. Tutol ang pamilya ni Caleb sa naging relasyon nilang dalawa. Dahil ang tingin nila kay Ella ay isa lamang itong babaeng hampaslupa at walang pinag-aralan at ginagamit lang ang angking kagandahan sa pang-aakit kay Caleb, para mapabilang siya sa pamilya Chavez. Basura kung ituring siya ng ina at kapatid ni Caleb at gagawin nila ang lahat para lang masira silang dalawa. Ano ang gagawin ni Ella, upang ipagtanggol ang kanyang sarili. Hahayaan na lamang ba niya ang ina at kapatid ni Caleb na sirain siya at patuloy na yurakan ang kanyang buong pagkatao? Ano ang gagawin ni Caleb, kung matuklasan nito ang isang napakalaking lihim na babago ng tuluyan sa kanyang buhay. May pag-asa pa kaya silang dalawa ni Ella, gayong sukdulan hanggang langit ang galit sa kanya ng babae?
Thisa Ang, isang Malaysian Chinese na mas piniling manirahan sa Pilipinas. Galing sa mayaman at tinitingalang pamilya si Thisa, ngunit isa itong suwail at spoiled brat na anak. Gagawin ni Thisa ang lahat nang kanyang gusto at pupuntahan ang mga lugar na maisipan nitong puntahan at walang sino man ang p'weding makapigil sa kanya. Kilala din si Thisa Ang, bilang isang International Supermodel at kung saan-saang bansa siya nagpupunta para rumampa sa stage. Ngunit ang kanyang pagiging sikat ay isang katauhan naman niya ang nakatago rito. Isang katauhan na nabubuhay sa anino ng dilim at tinaguriang The World's Most Wanted person. Isang katauhan na mailap at mapanganib na kinakatakutan sa underworld.
Hanggang saan kayang tiisin ni Thisa ang kanyang pangungulila sa mga mahal niya sa buhay, at hanggang kailan niya maitatago ang tunay niyang trabaho. Ano ang gagawin niya kung ang trabahong pinili niya ay maging metsa din ng kanyang buhay at buhay nang kanyang pamilya. Pipiliin kaya niyang lumayo sa magulo at mapanganib niyang mundo at mamuhay nang tahimik, kasama ang kanyang pamilya, o ipagpapatuloy ang laban na kanyang nasimulan, para sa kapayapaan ng lahat ng tao sa kanyang paligid at sa lipunan.
WARNING‼️🔞🔞🔞
(This story features adult themes and explicit scenes, including strong language and s*xual content. Reader discretion is advised.)
Attorney Monalisa Salvador, 28, anak ng dating Judge. Dahil sa maagang pagkamatay ng kanyang asawa, kaya nagbago nang tuloyan si Monalisa. Ang dating masayahin at pala ngiti, ay naging mabagsik at marahas.
Matapos mailibing ang kanyang mahal na asawa, ay pumasok din si Monalisa sa Military. Sa tulong ng kanyang tiyuhin na General, ay naging isa siyang magaling na Secret Agent. Nakikipag laban siya sa mga Criminal at salut ng lipunan. Wala siyang awa sa mga taong kanyang hinuhuli. Katwiran niya ay upang mabawasan ang mga masasama sa mundo at wala nang mapinsala ang mga ito.
Ngunit isang kaso mula sa FBI sa US ang kanyang hahawakan. At makakasama niya ang isang Hot na Special Agent galing US. Si Special Agent Samuel Parker. Siya ang naatasan upang hanapin ang isang Killer na tumakas sa US, at nagtatago sa Pilipinas.
Ang taong kanilang hahanapin ay mayroon ding napakalaking kasalanan kay Monalisa. Nalaman din niya na ang hawak niyang kaso ay may ugnayan sa mga pumatay sa kanyang asawa.
Mabibigyan na kaya ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang asawa? paano niya haharapin ang mga taong may napakalaking kasalanan sa kanya? sapat ba na huliin at ipakulong lamang ang mga taong sumira sa kanyang pamilya?
Paano kung sa paghahanap nila ng mga Criminal ay maging daan din upang magtagpo ang kanilang damdamin ni Agent Parker? may puwang pa kaya sa buhay ni Monalisa ang pag-ibig? kung ang tanging hangad niya ay makapag higanti.
Mababago kaya siya ng pag-ibig ni Agent Parker? May ligaya pa kayang naghihintay sa katulad niyang nabubuhay sa madilim na mundo ng puot at paghihiganti?
Sa isang magulo at maingay na lugar sa Maynila, lumaki si Monica Valdez. Mahirap ang kinagisnan niyang buhay, ngunit masaya siya dahil buo silang pamilya. Si Monica ay isang babae na ang espiritu ay nagniningning na mas maliwanag kaysa sa sikat ng araw. Ang kanyang buhay ay sumasagisag sa kapangyarihan ng katatagan at punong-puno ng pag-asa sa buhay.
Nang mag asawa si Monica ay doon sinubok ng panahon ang kanyang katatagan. Nawalan ng trabaho ang kanyang asawa, kaya pumayag siyang sumama sa asawa niya sa probinsya nito, upang doon sila manirahan at magsimula ng panibagong buhay. Dahil sa kahirapan ng buhay sa Probinsya, kaya nangarap si Monica ng mas magandang buhay para sa kanyang mga anak. Ayaw niyang maranasan ng kanyang mga anak ang hirap ng buhay na kinagisnan niya noon. Kaya nag apply siya bilang Domestic Helper sa bansang Singapore at doon nagtrabaho. Punong puno siya ng mga pangarap na umalis sa kanilang lugar, upang mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Ngunit ang kanyang paglayo sa kanyang sariling pamilya ay siya naman naging dahilan ng pagkawasak nito at naging dahilan ng kanyang mga pasakit sa buhay.
Hanggang kailang matitiis ni Monica ang hirap ng kanyang kalooban dahil sa mga sakit at pighati dulot ng lalaking pinili niyang mahalin? Ano ang mas pipiliin niya, ang magpatuloy sa pagtatrabaho sa ibang bansa o umuwi sa Pilipinas, upang manatiling buo ang kanyang pamilya? Paano ang kanyang pangarap na magandang buhay para sa kanyang mga anak? Isasantabi na lamang ba niya ang mga pangarap na ito para maalagaan ang kanyang mga anak na pinabayaan ng kanilang ama?
Abangan ang pakikipag sapalaran ni Monica Valdez sa bansang Singapore at kung paano niya paglalabanan ang lahat ng mga pagsubok sa kanyang buhay.
Samantha Legaspi. Isang dalaga na ang tanging pangarap sa buhay ay makapagtapos ng pag-aaral. Kaya ng alukin siya ng trabaho ng kanyang Ninang, kapalit ng pagpapaaral sa kanya ay agad siyang pumayag. Naging Yaya siya ng apo ng kanyang ninang, habang ipinag papatuloy nito ang kanyang pag-aaral. Mabait ang kanyang Ninang, kaya naging madali para kay Samantha ang kanyang trabaho at pag-aaral. Ulila na sa ina ang batang kanyang inaalagaan at ang ama naman nito ay nasa ibang bansa, dahil hindi nito matanggap ang pagkawala ng kanyang asawa na namatay sa panganganak. Ilang taon din na nanatili sa Mansion ng mga Del Valle si Samantha.Wala naman siyang naging problema dahil napaka bait ng Pamilya Del Valle sa kanya. Hanggang sa Graduating na siya sa Edukasyon. Kaya masayang masaya siya na makakatapos na rin siya sa wakas at isa na siyang ganap ng Guro. Hanggang isang araw ay biglang bumalik sa Pilipinas ang ama ni Faith, ang kanyang alaga. Siya si Nathan Del Valle, ang kilalang Cruel Billionaire na walang awa sa mga nagkakasala sa kanya at napaka lupit na CEO ng ALBERT'S GROUP OF COMPANIES. Sa pagdating ni Nathan ay biglang nagulo ang tahimik na buhay ni Samantha. Dahil iba ang ugali ni Nathan Del Valle sa kanyang mga magulang. Napaka sungit nito at lagi na lang sumisigaw, kaya takot na takot ang lahat sa kanya. Pati ang sarili nitong magulang ay hindi siya kayang suwayin. Ngunit ang pinaka kinatakutan ni Samantha ay ang gabi-gabing pagpasok ni Nathan sa kanyang kuwarto. Dahil kahit ano'ng gawin niya ay hindi niya matanggihan ang lalaki. Ano ang kahihinatnan ng lahat sa pagitan nina Samantha at Nathan? Kaya bang patawarin ni Samantha ang binata, kung ito naman ang dahilan ng kanyang pagkawasak? Sinira ni Nathan ang kanyang buong pagkatao at dangal na iniingatan. Ano naman ang gagawin ni Nathan, kung ang pagkawala ni Samantha sa kanilang bahay ay siya namang maging dahilan, upang mahanap ni Nathan ang kanyang sarili. Saan niya hahanapin ang dalaga na muling nagpatibok at bumihag sa kanyang puso at dahilan ng kanyang pagbabago? Magkikita pa kaya silang dalawa? Mapapatawad pa kaya siya ng dalaga, kung sukdulan hanggang langit ang kasalanan niya dito? Abangan...
Ulila sa ina si Evelyn Garcia. Tanging ang kanyang Papa lamang ang nakasama niya habang lumalaki siya. Dating may kaya ang pamilya ni Eve, dahil nagmamay-ari sila ng isang Pabrika ng mga Sapatos. Nang mag College si Evelyn ay bigla na lang nagsara ang kanilang Pabrika, dahil nalugi na ito. Mag mula kasi nang mamatay ang kanyang ina ay naging Alcoholic na ang kanyang ama at madalas din itong pumunta sa Casino. Hanggang pati ang kanilang malaking bahay at mga sasakyan ay narimata na din ng Bangko, dahil hindi pala ito nahuhulugan ng kanyang ama. Ngunit ang hindi inaasahan ni Eve ay ang gawin siyang pambayad utang ng kanyang ama sa isang Chinese na pinagkakautangan nito. Sapilitan din siyang kinuha ng mga tauhan ni Mr. Gāo Yàlún at dinala siya sa Mansion nito. Ikinulong siya sa isang napakalaking kuwarto na kompleto sa lahat. Ngunit ang ipinagtataka ni Eve ay lagi siyang nagigising na wala ng ano man saplut sa katawan. Takot ang namayani sa puso ni Eve, dahil hindi niya kilala ang taong gumagawa nun sa kanya. Ano ang naghihintay na kapalaran ng dalaga sa bahay ni Mr. Gāo? Makakatakas paba siya sa bahay ng lalaki, gayong napapaligiran ng mga armadong bantay ang paligid? Saan naman kaya siya pupunta kung aalis siya, dahil wala na rin ang kanilang bahay. Galit din siya sa kanyang ama at ayaw niya itong makita. Paano na ang pangarap niyang makapagtrabaho sa Company ni Mr. Aaron Go na matagal na niyang crush? Kahit sa Magàźìnè lang niya nakikita ang binata ay labis na niyang hinangaan ito at plano din niyang i-lapit ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang Secretary nito. Abangan...
#Tagalog Writing Contest - Love Game With A Multi-faceted Billionaire.
Lynnette Fuentes. Lumaki siyang nakukuha ang lahat ng gusto niya. Galing siya sa mayamang angkan o pamilya ng mga Abogado. Lahat din ng member ng pamilya nila ay obligadong mag-aral ng Law at mag-asawa lamang kung Abogado din ang kanilang pakakasalan. Ito ang tradisyon ng pamilya Fuentes na ipinapatupad pa rin ng kanyang mga magulang hanggang ngayon. Ngunit iba ang gusto ni Lynnette, dahil nag mahal siya ng isang lalaking ang hilig lamang ay ang magkalikot ng Computers. Ang kanyang kababata na si Henry Alonzo, isang IT Expert. Lihim ang naging relasyon nila, dahil sa simula pa lang ay tutol na ang mga magulang ni Lynnette kay Henry. Laging sinasabi ng kanyang ama, na wala siyang magandang bukas sa piling ng isang Hacker lamang. Hanggang isang araw ay ipagkasundo siya ng kanyang ama sa anak ng kaibigan nitong Abogado. Tumutol si Lynnette sa kagustuhan ng kanyang ama. Umalis siya sa kanilang tahanan at sumama siya sa kanyang kasintahan. Maging masaya kaya silang dalawa, kung ang lahat ay tutol sa kanilang pag-iibigan? Paano nila ipag lalaban ang kanilang pagmamahalan? Sapat na bang magkasama silang dalawa at magpakalayo sa lahat upang hindi na sila paki alaman? Paano kung isang araw ay mag hirap ang kanyang pamilya at ang makakapag salba lamang sa kanilang kabuhayan ay ang pag papakasal niya sa anak ng kaibigan ng kanyang ama? Makakaya kaya ni Lynnette na isakripesyo ang kanyang kaligahan, para lang maisalba ang kanilang mga kabuhayan? Ano naman ang kayang gawin ni Henry, upang hindi mawala sa kanya ang kanyang mahal? Gagamitin ba niya ang kanyang mga kaalaman upang matulungan ang pamilya ni Lynnette, samantalang sukdulan hanggang langit ang galit nila sa kanya at ang turing sa kanya ng pamilya Fuentes ay isa lamang hamak na Hacker na dapat na makulong upang hindi pamarisan ng iba. Abangan....
Masarap daw ang bawal na pag-ibig. Anong gagawin mo kung sa unang pagkakataon sa iyong buhay ay magmahal ka, at sa lalaking may asawa pa? Ipaglalaban mo ba ang karapatan mo, o hahayaan na lamang na maging masaya siya sa kanyang tunay na pamilya?
Simply lang ang pangarap ni Emily Alvares, 18 years old. Ang maka pagtapos ng pag-aaral at makakita ng magandang trabaho at mapagamot ang kanyang ama na may sakit.
Ngunit nahinto siya sa pag-aaral, dahil hindi na siya kayang paaralin ng kanyang ama dahil sa malubhang sakit nito. Kaya napagpasyahan niyang mamasukang katulong sa Manila, para makatulong sa pagpapa gamot ng kanyang ama. Ngunit biglang nangailangan ng malaking halaga ang kanyang ama, para maoperahan ito sa Kidney. Kaya naglakas loob siyang umutang ng malaking halaga sa kanyang mayamang amo, para may maipadala siya sa kanyang amang nasa Hospital. Pumayag naman ang kanyang amo na bigyan siya ng malakin halaga, ngunit may kapalit na hinihinge ang amo niya para sa halagang 2 Million Pesos na ibibigay sa kanya. Iyon ay ang pagpayag niyang maging Surrogate Mother sa magiging anak ng mag-asawa, ngunit gagawin nila ito sa natural na paraan. Dahil ayaw pumayag ng amo niyang lalaki na mabuo ang magiging anak nito sa test tube lamang.
Hanggang saan ang kayang gawin ni Emily, para maka hanap ng malaking halaga at mapa operahan ang kanyang mahal na ama? Makakaya ba niyang ipag-palit sa pera ang kanyang dangal at kinabukasan? Paano kung ang isang kasunduan lamang kapalit ng malaking halaga ay mauwi sa pagmamahalan? Kaya ba niyang ipaglaban ang kanyang mahal, kung ang kalaban niya ay napaka yaman at makapangyarihan? Tatanggapin na lamang ba niya ang katutohanan na isa lamang siyang kasangkapan at bayaran upang mabuo ang pamilya ng lalaking kanyang minamahal?
Lieutenant Travis Coleman, isang dating US Navy Seal, ngunit umalis sa serbisyo dahil sa pagkamatay ng kanyang fiancèè, noong nasa isang mission sila. Dahil sa sakit ng pagkawala ng babaing labis niyang minamahal ay nagpasya siyang bumalik sa pilipinas at dito magsimula ng panibagong buhay.
Pumasok siya bilang Secret Agent sa ORBIT Intelligence Group. Isa itong ahensya na tumutulong sa pagpuksa at paghuli sa mga masasamang elemento na hindi kayang pabagsakin ng mga Pulis at NBI. Naging Undercover Agent siya sa isang mayamang Babae, at dito niya makikilala ang babaing muling bibihag ng kanyang puso. Si Joy, na noon ay labing pitong taong gulang lamang at yaya sa anak ng kanilang Amo.
Paano niya liligawan si Joy, at ipagtapat ang kanyang pag-ibig sa dalaga, kung napakalaki ang agwat ng kanilang edad. 15 years ang tanda niya sa dalaga at tinatawag pa siya nitong kuya.
Maku-kontento na lamang ba siyang alagaan at bantayan ang dalaga na ang turing sa kanya ay isa lamang nakakatandang kapatid? Paano siya mamahalin ng katulad ni Joy na napakabata pa at wala pang karanasan sa pag-ibig? May ligaya kayang naghihintay sa kanilang dalawa, kahit napakalayo ang agwat ng kanilang mga edad?
Si Jasmine ay laking Probinsya ngunit matalino at may matayog na pangarap. Lahat ng paraan ay ginawa niya upang maka pag-aral siya sa Maynila. Ngunit sa kabila ng kanyang katalinuhan ay mapusok din siya sa ngalan ng pag-ibig. Dahil ng makilala niya si Dylan Altamera, ang unang lalaking nagpatibok sa kanyang puso ay pumayag itong magpakasal sa lalaki sa batang edad.
Ano ang kapalaran ang naghihintay sa kanya sa piling ni Dylan? magiging masaya kaya silang dalawa, kung ayaw naman ng pamilya ni Dylan kay Jasmine? paano kung ang pag-aasawa nila ng maaga ay dahilan upang manganib ang kanyang buhay? Dito na rin ba magtatapos ang kanilang masayang pagsasama na punong-puno ng saya at ligaya?
Ngunit isang pangyayari ang babago sa buhay ni Jasmine. Dahil isang lihim na matagal na itinago sa kanya ay mabubunyag.
Paano ito tatanggapin ni Jasmine? ito rin ba ang maging daan upang magkalayo sila ni Dylan?
Dra. Charlotte Del Rosario, 27, ang nag-iisang anak ng Presidente ng Pilipinas. Masasabing matagumpay na siya sa buhay, dahil maliban sa pagiging magaling na Cardiologist ay nagmamay-ari din siya ng Hospital. Ngunit sa kabila ng kanyang tagumpay ay ang nakaraan na pilit niyang kinakalimutan. Dahil niloko siya ng unang lalaking kanyang minahal at pinagkatiwalaan. Pina-asa siya ng kanyang Fiancè na pakakasalan siya, ngunit kasal na pala ito sa iba. Dahil sa sobrang sakit ng kanyang dinadala kaya napag pasyahan niyang pumasok bilang Secret Agent ng ORBIT INTELLIGENCE GROUP. Taon din ang lumipas, bago niya natanggap ang kanyang kasawian. Isang araw ay muli niyang nakita ang dating kaibigan na si Emmet Dizon. Isa na rin itong magaling na Psychologist at meron din siyang sariling Mental Facility. Matanda lang si Emmet ng dalawang taon sa kanya, ngunit parang kapatid lamang ang turing niya dito. Kabaliktaran naman ang nararamdaman ni Dr. Emmet sa kanya. Dahil mga bata pa lang sila ay may gusto na si Emmet kay Charlotte. Nawalan lang siya ng pag-asa noon dahil meron ng Boyfriend si Charlotte.
Paano tatanggapin ni Charlotte si Emmet kung manliligaw ang binata sa kanya, kung takot na siyang muling magmahal at masaktan. Kaya ba niyang muling magmahal at magtiwala sa ibang lalaki, kung lagi pa rin sumasagi sa isip niya ang sakit na kanyang pinagdaanan?
Anong hakbang ang gagawin ni Emmet, upang mabago ang pananaw ni Charlotte, sa mga lalaki. Magtitiis na lamang ba siya na hanggang kaibigan lang ang relasyon nila?
Isang magaling at matapang na Abogado si Alfonso "Alfie" Magtibay. Nagtatrabaho din siya bilang isang Secret Agent. Ngunit isang lihim sa kanyang tunay na pagkatao ang nagtatago sa likod ng kanyang mga tagumpay. Bata pa si Alfie ay alam na niya sa sarili niya na siya ay isang pusong babae.
Ngunit biglang magbabago ang lahat dahil sa isang gabing magkasama sila ng kanyang kaibigan na si Attorney Evette Marquez na isang broken hearted, dahil niloko ng kanyang boyfriend.
Paano nila haharapin ang isa't-isa, matapos ang isang gabing pinagsaluhan nila? may ligaya kayang naghihintay sa kanila kung pareho silang magulo pa ang isipan?
Ano ang gagawin ni Alfie, kung malagay sa panganib ang buhay ni Evette? alam naman ni Alfie na siya lamang ang may kakayahang protectahan ang babae.
Pamela Lopez, an only child and the sole heir to her family's wealth, faced adversity after her mother's passing. Her father's remarriage brought unexpected challenges as he too succumbed to illness, leaving Pamela at the mercy of her stepmother. Imprisoned in her own home and threatened with an unwanted marriage to her stepbrother, Pamela made a daring escape to evade the grasp of her manipulative family members.
Determined to reclaim her rightful inheritance and protect those loyal to her family, Pamela fled her town with a vow to return and confront the injustices imposed upon her. As she navigates the bustling streets of Manila, a city teeming with life and chaos, Pamela wonders about the challenges of living independently and the possibility of finding true love in unexpected places.
In her quest to regain control of her seized properties from her stepmother, Pamela must strategize and take decisive steps to outwit those who seek to exploit her wealth. Will Pamela's resilience and courage be enough to overcome the obstacles that stand in her way and pave the path for a new chapter in her life?