Kailangan ni Eric, ang manager ng bandang Soundproof ng assistant kaya napilitan si Eli na tulungan siya. Malaki kasi ang utang na loob ng tatay ni Elizabeth sa manager ng banda at marami na itong naitulong sa kanila. Kaya nahihiya siyang tumanggi ng alukin siya nito ng trabaho.
Nang dahil sa bagong trabaho napilitan si Eli na tumira sa bahay ng banda kasama ang manager nila. Hindi naman siya natatakot kahit na alam niyang nag-iisang babae lang siya sa bahay dahil kilala na niya ang mga makakasama niya. Ilang beses na niyang nakasama ang mga ito at alam niyang mabuti silang tao. Lalo na si Ace, ang gitarista ng banda at ang lalaking nagugustuhan niya.
Ang buong akala ni Eli, mas magiging malapit sila ni Ace sa paglipat niya sa bahay nila. Pero malayo sa plano niya ang naging resulta. Nahulog siya sa iba, nahulog siya sa lalaking hindi niya inaasahan. Ang lalaking lagi siyang inaasar at lagi niya kaaway. Si King, ang bokalista ng banda.
Ang alam nang nakararami, sekretarya lang ni Alex si Bianca. Ngunit lingid sa kaalaman nilang lahat higit pa doon ang relasyon ng dalawa.
Mahal ni Alex si Bianca at para sa kanya ito na ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay. Ganun din naman si Bianca kay Alex. Hindi niya hanggad ang yaman at materyal na bagay. Ang tanging gusto lamang ng dalaga ay ang pagmamahal at oras ni Alex.
Subalit tapat man ang nararamadaman ng dalawa para sa isa't-isa hindi pa rin ito sapat na dahilan para maintindihan ng mga taong nakapaligid sa kanila ang relasyong meron sila.
Ipinanganak kasi si Alex sa isang maganda at mayamang pamilya. Siya ang nag-iisang anak at ang tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng pamilya nila. At ang pagiging mayaman niya ang dahilan kung bakit hindi niya pwedeng mahalin si Bianca.
Si Bianca naman ay isang simpleng dalagang may mabuting kalooban. Bukod dito taglay din niya ang pisikal na kagandahan kaya naman hindi rin nakapagtataka kung bakit siya minahal at nagustuhan ni Alex.
Kontento ang dalawa sa relasyong meron sila. Kahit minsan ay hindi naging hadlang ang estado ng buhay na meron sila. Masaya sila kahit na tinatago nila ang pagmamahalang meron sila.
Pero katulad ng nakararami, sinubok din ang tatag at pagmamahal nila.
Nakatakdang ipapakasal si Alex ng mga magulang niya sa babaeng napili nila. Labag man sa kalooban ni Alex ang desisyon ng mga magulang niya, hindi niya ito matanggihan. Lalo na't nalaman niyang may sakit ang Daddy niya.
Dito na nagsimulang gumulo ang lahat hanggang sa tuluyan ng iniwan ni Bianca si Alex. Para sa kanya may mas mahalagang bagay at tao siyang kailangan proteksyonan.
“Ang anak nilang pinagbubuntis niya…”
Marcus has it all. He has money, power, fame and a DAUGHTER. A daughter who's identity is a mystery to everyone except to those people who knows him well. One day his daughter got sick and was admitted in a hospital where Jaqueline works as a nurse. The little girl got closer to her which causes Marcus to invite her over for dinner. That dinner start something between Marcus and Jaqueline. Something romantic started between them. It was an almost perfect relationship but things got messy when Jaqueline's life was put on danger because of Marcus' past.