Story By Bryle Jayrald
author-avatar

Bryle Jayrald

bc
Ang Mandirigma Ng mga Bisaya (aswang story)
Updated at Mar 17, 2023, 07:12
Ang istoryang inyong mababasa ay hango sa totoong kwento karanasan ito ni tatag taong 1959, sapian capiz.Itong taong ito isang katulong si tatag ng isang mayamang haciendero, Hindi biro ang istado ng taong pinag sisilbihan niya pagdating sa pamahalaan at kasosyo sa mga negosyo. Bilang si tatag ang pinaka pinagkakatiwalaan nitong tao kung kaya hindi niya mapagkakaila ang kanyang kaalaman pagdating sa uri ng negosyo meron ang amo niya. Ayon kay tatag lahat ng aspito ng pag kuha ng pera ay pinasok na nito, pag aangkat ng mutya sa mga albularyo, pag paslang ng mga nilalang tulad ng mambabarang at kung ano ano pang gawain na maaaring makapag likom sila ng limpak limpak na salapi. Maniwala man kayo o hindi sa oras na sumasapit ang anihan sa kanilang lugar isa si tatag sa nangangasiwa sa pumapasok na pera sa pamilya nito. May pagkakaton din na habang nasa kasagsagan ng gapasan merong ipinapaligpit na tao sa mga taohan nito bagamat ganon na ang nangyayari sa kanilang lugar patuloy padin sa paninilbihan itong si tatag sa isip isip niya mas mainam na dumikit nalang sa amo niya sa pag babaka sakaling balang araw makakakuha din siya ng mutya. Sa pag sapit ng hapon sa byernes santo habang abala siya sa pag pasan sa mga tipak ng kahoy may nasipat siyang isang matandang kuba na dahan-dahang naglalakad papasok sa bahay ng kanyang amo, Dala ng kanyang kuyuryosidad agad niya naman itong sinundan kung anong gagawin nito sa loob pag silay ni tatag sa kuba na kausap ang kanyang amo agad naman siyang lumapit dito habang nananatiling walang imik makalipas lamang ang ilang minuto doon narinig ni tatag ang pag uusap ng dalawa tungkol sa bertud ng lahi ng aswang na kalimitang hindi tinatablan ng aral ng kanan. Ayon sa matanda kalakip ng mertud na yung ang ang isang gamit na represintasyon ng isang diwatang nagngangalang kak-tan dagdag pa nito na marami siyang pinagdaanang kaganapan para lamang makamit ang dalawang matataas na uri ng armas matapos nitong mailahad sa kanilang amo ang tungkol doon agad naman itong lumuhod at itinaas ang dalawang bagay na nababalot sa telang kulay itim at ginto habang pinagmamasdan yun ni tatag dahan-dahan na siyang naglalakad papalayo sa kadahilanang ramdam niya sa kanilang sarili ang serysosong tagpo sa pagitan ng dalawa subalit bago pa man siya makalabas ng pinto bigla naman siyang natigilan ng marinig niyang magwika ang kanyang amo ng "wag kanang umalis alam kong kanina kapa nanjan lumapit ka tatag pagmasdan mo ang ipinapakita ng kaibigan natin" kasabay ng pag wika nito ang siyang labis naman niyang pag tataka na animoy hindi manlang ito nababahala na makita niya ang isang gamit na malapit na nitong makuha bagamat alam ni tatag na isang kolektor ang amo niyang yun ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit napaka kampante nitong ipinapakita ang mahalagang bagay sa kanya sa pag papatuloy ng ganoong eksena doon niya nasilayan ang isang singsing na gawa sa purong ginto sa tabi nito nasipat naman niya ang animoy isang bato na merong napaka sangsang na amoy, matapos nilang masilayan ang bagay na yun agad naman itong itinago ng kanyang amo sa pag alis ng kuba sa loob agad naman siya nitong inanyayaan na makapag usap para makasiguro na walang nakakarinig sa kanila minabuti nang kanyang amo na sa silid nalamang nila ipag patuloy ang kanilang paksa dahil sa wala namang kakayahang tumangi doon si tatag napilitan siyang sumunod dito sa kahit madame pa ang kanyang gawain. Pag dating nila sa loob kampanti naman siyang umupo sa isang bangko habang abala ang kanyang amo sa pag tago sa mga nakuha nitong bertud maya maya pa pagsilay nito sa kanya seryoso namang nagwika ito sa kanya ng "maaaring nag tataka ka kung bakit ganitong uri ng pamumuhay meron ako hindi ako ordinaryong tao tatag kahit ang mga taong nakikita mo rito hindi rin sila katulad mo ang asawa ko, mga anak ko, ibang katulong ko ay parti lamang sila ng totoong anyo ko, kaya makinig ka wala na akong oras ikaw ang napili ko upang mag tangan ng aming lakas at mga kakayahan gamitin mo ito sa kung anong bagay ang maisip mo. Wala na akong pakialam ang importante ay nagawa kona ang trabaho ko".... Matapos itong makapag salita bigla namang nanlaki ang mga mata ni tatag ng unti-unti itong nagkaroon ng malaking kapa sa kanyang likuran mabilis din ang pag taas nito at pag babago ng anyo halos kisap mata lamang ang pagitan ng bumungad sa kanyang harapan ang isang nilalang na aninoy nahahanay sa isang maharlikang uri kung iyong titingnan pag lalarawan dito ni tatag meron itong ginintoang kapa, mala sa kambing na mga paa, may dalawa iyong mga lalaking sungay sa ulo at napaka rami nitong abobot sa katawan, tatlo den ang daliri nito at meron itong bunganga na kasing laki ng butas ng isang banga, dagdag pa ni tatag na sa talam buhay niya. Tanging ang nilalang lamang na yun ang nagbigay ng takot sa kanya. Habang patuloy niya iyong pinagmamasdan dahan dahan naman siyang sumusuot sa ilalim ng higaan nito para magtago, pag paling niya sa ibang bagay ng kanyang pangin
like