Story By Angelica Ratac
author-avatar

Angelica Ratac

bc
YOUR CONTRACT WIFE
Updated at Feb 5, 2023, 22:37
Si Shyra ay laki sa lolo at lola. Sa edad na 5 ay naghiwalay ang kanyang mga magulang dahil sa hindi pagkakasundo. Kaya dinala sya ng mga ito sa lolo at lola nya. Paminsan minsan naman umuuwi ang mga magulang nya sa probinsya kapag may honor sya at may mga important events na ginaganap. Pero nung nasa edad na Trese na sya ay hindi na dumadalaw ang mga magulang nya. Literal na ang lolo at lola nya na ang gumastos sa kanyang pag aaral. Nakatapos naman sya ng kolehiyo sa kursong Accountancy. Kaya ngayon ay sya naman ang bumabawi sa dalawang matandang naghubog ng pagkatao nya. Dumating sa punto na nagkasakit ng malala ang lola nya at kinailangan itong operahan. Pero kailangan nya ng malaking pera para sa gamutang gagawin. At dahil baguhan pa sya kaya hindi pa kakayanin ng sahod nya ang gastusin sa hospital.Hanggang sa may tumawag sa kanya at nag offer ng 100,000 pesos kada buwan bukod pa ang allowance kung tatanggapin nya ang trabahong iaalok sa kanya. Ang tanging sinabi lang sa akin ng kausap ko eh it will only takes 3 years to end the contract. But whatever it is ay tinanggap ko na. Mas mahalaga ang buhay ng lola ko dahil sila nalang ang pamilyang natitira sakin.
like