Kinakitaan ni Michael si Richard ng mga katangiang hinahanap niya sa pangarap na makakapareha. Pero dahil taga syudad si Richard, maguguluhan siya ng husto, dahil bilang probinsyano, alam na alam na niya kung anong pwedeng gawin ng isang tagasyudad, ayon sa kwento ng iba.
Maliban sa kakabreak lang niya sa ex-girlfriend niya, isang buwan matapos niyang makilala si Richard, ano pa bang magandang dahilan para hindi pasukin ang relasyon na itatago naman nilang dalawa? Pero hindi sa bestfriend niyang si Greg.
"Naririnig ko na agad sasabihin ni Greg sa mga desisyon ko sa buhay, 'bobo ka, tanga!' Ano pa ba?" -Michael