A True Love Story #yung ramdam nyo pa na mahal nyo pa ang isa' t isa pero huli na ang lahat.Updated at Nov 20, 2023, 14:23
" Kami pa ba? Mahal pa ba niya ako? "Eto ang lagi kong tanong sa aking sarili,mula noong panahon na bigla siyang nagbago ng pakikitungo sa akin.Parang hangin,bigla na lang lumamig ang kaniyang pagtingin ,biglang nagbago.Noong panahon na ito diko alam kung ano ang aasahan at mararamdaman ko,walang konkretong sagot sa tanong na halos ayaw kong itanong.Ayaw kong itanong dahil sa takot akong malaman ang totoo,yung totoo na hindi na niya ako mahal at baka nakahanap na siya ng iba. Ang hirap lang na malalaman mo na yung taong pinakamamahal mo ay makakahanap ng iba at hindi na masaya sa piling mo,yung tipong masaya naman kayo sa isa't isa.Siguro ganun talaga ang buhay,wala talagang permanente sa mundo sabi nga.Hanggang sa malaman ko ang totoo,mayroon na siyang ibang mahal at sila na habang kami pa..ang saklap diba.? pero anong gagawin ko,,mag move on at magiyak hanggang sa mamaga ang mga mata.Diko alam kung gaaano katagal ako umiiyak sa isang araw,dalawa.?tatlo o apat? diko alam madami.Tuwing pauwi nako sa bahay,umiiyak ako sa opisina at nakikita yun ng mga katrabaho ko noon,ginagawa ko siya kasi pagdating sa bahay ayaw kong makita ng mga tao na umiiyak at iniiyakan ko ang taong inilaban ko sa kanila na dati'y ayaw nila sa relasyon namin.Lahat na yata ng bagay ay ginawa ko upang makalimutan siya.May panahon pa na habang nakikikinig ng music habang nasa byahe papasok sa trabaho ay kung saan na ako napadpad,yung tipong ang biyahe ko ay pa Cubao pero umabot ako sa Proj.3 ganun ako ka lutang ng panahon na yun.Nalaman ko na lang nasa Proj.3 na ako ng may nagbayad,bigla akong nagulantang,at agad na bumaba,mabigat ang pakiramdam ko hanggang sa umagos na lang sa aking mga mata ang mga luha na diko inaasahan.Naglakad palayo at nagabang ng panibagong dyip,para akong tanga na umiiyak sa loob ng dyip,gusto ko man ikubli ang aking mukha sa mga taong nakatingin sa akin ay diko magawa dahil huli na din ito.Maga ang mga mata,namamagang ilong at basang panyo,ganyan ako halos araw araw.Umiiyak sa daan yung biglaan at diko namamalayan.Pero anong gagawin ko nagmahal lang naman ako,ng isang tao na di pinahalagahan ang pagmamahal na meron kami.
Ako eto,pinarusahan ang aking sarili nagpakasal sa taong hindi ko mahal para lang makalimutan siya.At alam kong masakit sa,taong pinakasalan ko na tumanggap sa akin kahit na alam niyang hindi siya ang laman ng puso't isipan ko.
Hanggang saan at hanggang kailan kayang magtiis ng ating mga pusong minsan na nating nasugatan ngunit ang hinahanap pa din ay ang ating nasimulang pagmamahalan..