SecretsUpdated at Aug 14, 2020, 06:38
Sa mundo ko kung saan lahat ng tao ay hindi mapagkakatiwalaan, kung saan lahat ay nais kang saktan, kung saan sarili mo lang ang iyong maasahan. Wala kang magagawa kung hindi ang maging matigas, maging matibay para maprotektahan ang sarili mo.
Gulo rito, away doon, sugat, pasa, baling buto at bugbog saradong katawan, lahat 'yan ay mararanasan mo at wala kang magagawa dahil hindi mapipigilan ang mga ganitong bagay.
Luha, awa sa sarili, awa sa ibang tao at lalong lalo na ang emosyon, walang kwenta lahat ng yan, hindi ka maililigtas ng mga yan. Masasaktan at masasaktan ka lang kapag pinairal mo ang mga yan.
Bata pa lang tinuro na sa akin ng magulang ko ang mga bagay na yan. Sa edad na 18 lahat na ata ng sakit ay naranasan ko na, pati ang sarili kong pagkatao kinailangan kong itago.
Dahil kapag nalaman nilang hindi ako lalaki maaring pagsamantalahan nila ako. Oo hindi ako lalaki. Isa akong babae. Mula pagkabata ay itinago na ng mga magulang ko ang tunay na pagkatao ko.
Ako si Joey at ito ang kwneto ng buhay ko.
Lahat ng bagay na sa akin, lahat ng gusto ko nakukuha ko, kahit anong hingiin ko ay naibibigay sa akin, ako rin ang leader ng "STORM" ang grupo naming magkakaibigan mula pa nung bata kami. Masasabi mong kami ang namumuno sa buong campus na pinapasukan ko. Sa 19 years ng buhay ko ay wala pang bumabangga sa akin.
I'm Skyzel "Stone" Takano and this is my story.