Hindi na lingid sa atin at naging parte ng ating buhay ang paniniwala sa demonyo. Walang taong perpekto at lahat tayo may tinatago sa kaloob-looban natin. Hanzel, isang babaeng maagang namulat sa karahasan ng mundo at nabuhay sa mundong hindi nararapat para sa kaniya. Habang tumatagal ang kaniyang pananatili sa madilim na parte ng mundo, pa unti-unti ay nagbabago ang kaniyang pagkatao. Sa murang edad niya ay alam na niya ang kadilimang bumabalot sa mundo at sa kaniyang sarili. Kahit saan siya dalhin ng tadhana, ang kaniyang madilim na bahagi ay mananatili sa kaniyang loob. Kahit nasa tamang landas na siya at may mga taong nagpapahalaga sa kaniya, hindi maiiwasan ang mga pangyayaring babago at dadating sa katulad niyang may tinatagong demonyo sa kaloob-looban.