Story By Mochi Boo
author-avatar

Mochi Boo

bc
Protecting A Bad Boy
Updated at Jul 14, 2021, 02:57
Papauwi na sana si Minseok Mula sa kanyang part time job sa cafe nang makita niya ang pamilyar na katawan na nakahandusay sa gilid nang kalsada. Si myungho, ang kaklase niya na kinakatakutan ng halos lahat ng estudyanteng nag-aaral sa Mansae University na nilipatan niya dahil sa malamig at nakakatakot nitong awra. Lalapitan niya na sana ito upang tulungan nang mapansin niya ang dalawang lalaking naka tayo Di kalayuan kay myungho na tika ba may kinakausap sa telepono. "Bugbugin niyo siya hanggang sa mangisay siya at matutunan niya ang leksyon niya. Siguraduhin niyong walang makaka kita, kung meron ay despatsahin niyo kaagad. Pag kayo sumablay diyan, ako mismo ang pa patay sa inyong dalawa." sabi ng kabilang linya. Agad na nag tago si Minseok sa makakapal na dahon ng Mga halaman dahil sa takot na baka siya madamay at mapahamak sa nakita niya. Nang sinilip niya sa huling pagkakataon si myungho na kasalukuyang binubugbog ng dalawang lalaki ay aksidenteng nagtagpo ang mga mata niyong dalawa. "Tumakas ka na." Mahinang bulong nito. Tatakas na lamang ba si Minseok upang mailigtas ang kanyang sarili sa kapahamakan o itataya niya ang buhay niya Mula sa kapahamakan upang Iligtas ang taong minsan rin ay naglagay sa kanya sa binggit ng kapahamakan?
like