Nasaktan si Nadia nang ibenta siya ng sariling ina. Wala siyang nagawa kung 'di ang sumama sa matandang mayaman. Mabait naman ito sa kaniya at ni minsan hindi siya nito pinagtangkaan ng masama. Sa halip ay inuwi siya nito sa hacienda nito. Pinatira siya nito sa bahay na pinagsisilbihan ng mga kasambahay, pinag-aral, binihisan at tinratong parang isang tunay na anak. Doon lamang niya naramdaman ang oagmamahal ng isang ama sa anak.
Ngunit lahat ay nag-iba nang umuwi ang nag-iisa nitong anak na si Tristan. Sa unang pagkikita palang niya sa binata ay nakaramdam siya ng kakaibang emosyon para dito.
Subalit kung gaano kabait ang ama nito ay siya ring kabaligtaran ng anak. Inakusahan siya nitong babae ng Don, humuhugot ng pera! Gold digger! Ininsulto, inaway, pinapahiya at kung anu-ano pang kasamaan ang ginawa nito sa kaniya, pero sa kabila ng lahat ay isa lang ang napagtanto ni Nadia.
Mahal niya si Tristan!
Namatay ang Don at iniwan ang lahat ng ari-arian nito sa anak, ngunit di iyon makukuha ng binata dahil may isa pa itong habilin--- ang pakasalan siya!
Galit na galit si Tristan, datapuwat ay pinakasalan pa rin naman siya nito pero ramdam niya ang pagkasuklam at galit nito sa kaniya. But she needs to keep her promise, ang pangako niya sa mabutihing Don. Na hindi niya ito iiwan at susukuan, mamahalin niya ito hanggang sa matutunan rin siya nitong mahalin.
Kahit pa lagi lang siya nitong sinasaktan... Kahit ba lagi siya nitong iniiwasan, tinatabihan lang na parang parausan. Kahit harap-harapan siya nitong pinapakitaan ng may ibang babae. Kahit pa lagi siya nitong inaaway, ipinapamukha na hindi siya nito kailanman matutunang mahalin.
Does he really hate her that much?
How will she go farther for love? Until when will she stop getting hurt from Tristan's vicious love?
Heleina Aragon, the only daughter of Elizaldo Aragon and Annaliza Aragon. Pinanganak na may gintong kutsara sa bibig, but how dreadful fate can be.
Lahat ng karangyaang meron sila, sa isang kisap mata lahat ng 'yun ay nawala. Patong-patong rin ang problema. At dahil sa masama ang ugali ng mga magulang, wala ni isa sa kanilang pamilya ang gustong tumulong sa kanila.
She had no choice but to do something to survive even it is the only thing that has left of her---her dignity.
Matatawag ba siyang malas? O swerte? O sadya ito na rin ang daan upang makilala niya ang lalaking iibigin?
Mula bata ay minahal na ni Charlotte ang kaniyang foster brother. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabuntisan siya nito isang gabing pagkalimot.
Hindi nalaman ni Sebastian na siya din ang mismong babaeng nakaniig nito. Tanging underwear lang ng babaena may Betty Boop print ang naiwan nito.
Inako naman ni Sebastian ang dinadalang bata ni Charlotte na ang totoo siya naman talaga ang ama ng pinagbubuntis nito.