UntitledUpdated at Aug 8, 2021, 21:11
Noon akala ko madali lang ang buhay .... gigising, kakain, matutulog at gigising ulit.... ganun lang simply .... mamomroblema sa simpling tanong na kung bakit nakakalipad ang paru-paru ...bakit kaya naduduling ka kapag nilagay mo ang hintuturo mo sa gitna nang mga mata o kung bakit kaya red ang suot ni Santa Claus... iiyak ka sa mga simpling bagay tulad nang na agawan ka nang candy nang kalaro mo, iiyak ka Kasi inihaw yung alaga mong manok nang tatay mo at di ka kakain Kasi nga alaga mo yun o di naman kayay iiyak ka Kasi di ka binigyan ni Santa Claus nang regalo sa pasko .... simply ... ganun ka simply ! minsan nga hinihiling ko na maging bata nalang ulit ako simpling iyak...simpling problema .... maging inosente sa lahat ....
habang nadaragdagan ang edad ko mas lalo akong na mulat na ang buhay ay parang isang laro... pautakan, pabilisan, patibayan ... noon wala akong paki-alam sa buhay ... wala akong alam kung anong tamang sagot sa tanong na "WHAT IS LIFE"... na sa simpling paglalakad ko lang pala life na sa bawat pag-upo, pag salita, pag pikit, kain, tulog oh ano pamang gagawin it's already "life" well mag pa hanggang ngayun naman di ko padin talaga alam ang tamang depenasyon ... pero unti-unti may idea na ako .... actually di ko talaga alam kung anong rason kung bakit ako "buhay" sabi nga nila diba "everything has a reason" but actually I don't really know what is the reason of my existence .... nandito lang ba ako para matulog? kumain? ahm ..... display?? diko talaga alam actually.... sabi nga nila matalino ako "super" but I guess they were wrong ... cause if I am ... I will definitely know what I really want to be .... pero di ko alam kong ano talaga ang gusto ko sa buhay!.. naliligaw ako.