Story By Miss K
author-avatar

Miss K

ABOUTquote
Hello every one! I\'m a girl at single ilang beses na naging broken,pero di humihinto na umasang isang araw the right person will come in the right time.
bc
Mr Stanger
Updated at Oct 25, 2021, 22:53
Way back 2013 pumonta ako sa bar kasama ang pinsan ko.Subrang wasak ang puso ko ng mga oras na yon,dahil ang boyfriend kong almost 3 years kong minahal at pinag laanan ng panahon,nalaman kong niloko ako,at ang masaklap pa doon best friend ko pa! Hindi ko lang lubos maisip na ang taong pareho kong mahal at pinagkatiwalaan ko ng lubos ay siya din palang maging dahilan ng pag kawasak ko. Subrang laki ng problemang ginawa nila nagkaroon ng conflict ang mga magulang namin,magulang ng best friend ko at magulang nang boyfriend ko. Naging super close ang mga parents namin ng best friend ko dahil since 5 years old pa lang ako at si melanie ay magka ibigan na sila.at sa parents naman ng boyfriend ko super close na sila dahil sa business. Nabuntis ng boyfriend ko ang best friend ko At dahil sa subrang sakit na nararamdaman ko,niyaya ko ang pinsan ko na mag walwal kami. Si ate Arlene ang pinaka close ko sa lahat ng mga pinsan ko.at dahil nag iisang anak lang  ako ng mga magulang ko,tanging pinsan kong si ate Arlene ang tinuring kong ate. Sinamahan naman ako ng pinsan ko,kasama ang isa pa naming pinsan sa isang bar. At noong nandon na kami,nawala ng konti yong sama ng loob ko. Habang sumasayaw ang mga pinsan ko,ako naman uminom ng uminom na para bang wala ng bukas pa.yes guys hindi naman talaga ako umiinom pero dahil nga broken ang lola niyo hala walwal pa more na may kasamang hikbi. Iwan ko ba ng mga panahong iyon ginawa kong tubig yong alak,hinahayaan lang ako ng mga pinsan ko dahil alam nila na broken ako at kung gaano kasakit yong nararamdaman ko that time. At ng mga 2 am na yon ng madaling araw may dumating na isang grupo ng mga kalalakihan,sa bilang ko lima or anim sila at inakupa ang isang mesa na kaharap lang din ng mesa namin. Lahat sila magaganda ang tindig at masasarap talaga ang mga katawan na kahit na sinong babae ay malalag lagan ng panty. Sila yong tipo ng mga lalaki na parang sa gym na tumira,yong mga mukha hindi naman talaga kagwapohan pero sa sex appeal pa lang panalo na. Nang maka balik na sa mesa namin ang dalawa kong pinsan,itong si ate arlene agad akong kinalabit,at dahil lasing na ako gusto ko nalang sanang matulog,at agad naman akong napatingin kay ate Arlene sumagot ng bakit te? At agad niyang nginosoan ang nasa kabilang mesa sabay bulong sa akin ng,may mga masasarap sa kabilang mesa jane oh. wag kana mag mokmok lumandi ka,tapos sinabayan pa yon ng tawa na nakakaloka. at ako naman dahil lasing na,sinulyapan ko ulit yong mga kalalakihan na sinasabi ni ate Arlene.mukhang masarap nga pero wala akong paki dahil broken nga ang lola niyo. At sinabihan ko ang pinsan ko na tumahimik ka nga ate arlene  engage kana remember? baka naka limutan mo paalala ko lang po sabay tawa.at agad naman niyang sinabi sakin na GAGA HINDI PARA SA AKIN YAN PARA SAYO YAN JANE ANO PA HINIHINTAY MO SUNGGABAN MO NA. Agad akong sumagot na loko wrong timing te broken ako tapos sabay ngiti. Dahil maganda ang togtog agad nila akong niyaya na sumayaw pero humindi ako dahil lasing na nga ako.kaya yon sila nalang ang bumalik sa dance floor. Ako naman itinuloy ko ang pag inum  ng alak while nanunuod sa mga pinsan ko na to-do na rin ang sayaw may tama na rin yata.at dumating yong time na naiihi na ako,gusto ko sanang mag pasama kay ate Arlene kase natatakot ako na baka may lasing doon at baka ano pang gawin sakin. Ganyan ako ka advance mag isip,pero nakita kung aliw na aliw na sila sa pag sasayaw. kaya nilapitan ko na nalang at nag paalam ako na mag cr,baka kase hanapin nila ako. Sumagot naman si ate arlene na sasamahan kita Jane,pero ang sabi ko sa kanya no thanks ate Arlene I can handle myself,then tinawanan lang ako ni ate Arlene at sinabihan ako ng Are you sure jane? Then tumango ako sa kanya at ngumiti,I try my best na lumakad ng tuwid,pero dahil nasaniban na ang lola niyo ng spirito ng alak kaya ayon pasuray suray na naglalakad  papuntang cr.pag dating ko sa cr buti nalang at walang Tao. Pag katapos ko gumamit ng cr,napag isipan kong wag na munang bumalik sa mesa namin na inaakopa.kinawayan ko ang mga pinsan ko na lalabas muna ako saglit. Tumango lang naman ang mga ito at nag patuloy na sa pag sasayaw. Dahil pakiramdam ko gusto ko ng tumilaok at mag buga ng masamang amoy.in short nasusuka na ang lola niyo. Gusto kong sa labas nalang muna at nag babaka sakaling mawala  yon kapag maka langhap ako ng fresh na hangin. At dahil yong bar ay malapit lang sa dagat at matatanaw mo lang talaga. Kaya ang ginawa ko tumawid ako ng kalsada At nag hahanap ng mauupan kaso wala akong Makita.kaya ang ginawa ko sumakay sa likud ng isang sasakyan na hilux at nag hanap ng komportabling pwesto. At ng makahanap na ako tumingin ako sa langit at ngumiti,at nag umpisang nag drama ang lola niyo,ang sarap mabuhay kaso ang sakit mag mahal. At ng iniunat ko ang paa ko may nasagi akong kumot at unan na maliit,abay swerte pweding humiga while nag eemote ang lola. kaya ang ginawa ko humiga ako at kinumutan ang sarili k
like