Story By Luna Naija
author-avatar

Luna Naija

ABOUTquote
I escape reality through my story, want to join me? I\'m new here so please be kind to me✨ Let\'s also support each other through following each account!
bc
The Blind Heiress Bodyguard
Updated at Sep 4, 2024, 09:51
Pansamantalang nabulag si Yllona Eloise Del Fuente, dahil sa isang sinadyang aksidenteng kumitil sa buhay ng kaniyang magulang, at ng maibalik niyang muli ang kaniyang paningin ay isinisekreto niya ito, at nagpanggap pa rin na bulag. Upang makapaghiganti at mahanap ang nasa likod ng aksidenteng kinasangkutan ng pamilya niya ay nag-hire siya ng isang Bodyguard/Spy para tulungan siya. Ngunit, ng makilala ito ay nagulat siyang ang lalaki pala ay ang ex FuBu niya, pero kahit na gustuhin niyang umatras sa kontra rito ay ayaw naman niyang mabuko na naaalala niya nga ang lalaki at bumalik na ang kaniyang paningin.
like
bc
Fated To A Vampire: (A bloody adventure of Artemia)
Updated at Jul 5, 2024, 08:20
Lumaki si Artemia Rhenim Ravior na tanging ang tita Liya lang niya ang kasama, ngunit pansin niya ang pagiging iba ng pamumuhay nilang dalawa kumpara sa karamihan, na mas lalo pang naging kakaiba nang sumapit ang ika-labing siyam niyang kaarawan kung saan ito biglaang naglaho. Sa paghahanap niya rito ay napadpad siya sa isang kakaibang mundong tinatawag na VAMP. Ang mundo kung saan niya nakitang muli ang isang misteryosong lalaki na nagngangalang Yovanni, na sa kaniyang palagay ay maaaring konektado sa mga kakaibang nangyayari sa kaniya. Ngunit sa proseso nang paghahanap niya sa kaniyang tita, ay hindi niya inaasahan na iba ang matatagpuan niya, na siyang sasagot sa maraming katanungan sa kaniyang buong pagkatao.
like
bc
Rent A Husband Corp. : Nicholas Brenttson Fuentes
Updated at Jun 6, 2024, 19:19
Para makuha ang pamanang iniwan sa kaniya ng kaniyang yumaong Lolo na si Don Simon, kailangan munang maikasal ni Tamara Brielle Sandoval sa inampon nitong si Nicholas Brenttson Fuentes, ang kaniyang mortal na kaaway. Kahit labag sa loob ay walang magawa si Tamara kundi pilitin ang lalaking pakasalan siya, dahil ang kumpanya at lahat ng pinaghirpan ng kanilang pamilya ang nakasalalay dito. Ngunit kahit na anong pilit ang gawin niya ay paulit-ulit lang siyang tinatanggihan ng lalaki. Hanggang sa matuklasan niya ang "Rent A Husband Corp", kung saan ang Presidente lang naman ay si Nicholas. Ito ang nakita niyang sulusyon para pakasalan siya ng lalaki at makuha ang lahat ng pamana ng kanilang pamilya. Kukuhain niyang 'Rented Husband' si Nicholas sa ayaw man nito o gusto.
like