Story By Dreamer
author-avatar

Dreamer

ABOUTquote
Just a simple person, who dreamed to become a writer, Always wanted to explore, learn new and create new.
bc
Was It A Destiny?
Updated at Mar 18, 2023, 10:10
"No! Hindi sila pweding magpakasal!." Madiin ang pagkakasabi ng babaeng nagsalita.. Hinanap niya kung saan galing ang boses na iyon,at hindi nga siya nagkamali ng makita ang babaeng nakatayo malapit sa dalampasigan, nakatalikod ito sa kanya ngunit alam niya na ang babaeng iyon ay ang pinakilala sa kanya ng pinsan niya. "I'll do everything para pigilan ang kasal nila. I swear hinding- hindi ko papayagang maikasal sila ng babaeng iyon.!" Matigas at puno ng galit na sabi pa nito sa kausap sa cellphone bago pinatay ang call. Mabilis ang galaw na sinundan niya ang dalaga ng pagewang-gewang na naglakad ito papunta sa gilid ng Dagat. "Kung may binabalak kang guluhin ang kasal ng pinsan ko hindi ka magtatagumpay". Tiim bagang turan ni Justine bago binuhat ang babaeng nagulat at nagsisigaw. "what the- who are you?! let me go!" nagkakapag na sigaw nito. Ngunit parang walang narinig na padaskol na isinakay ko si Zee sa speedboat at mabilisang pinaandar paalis sa lugar na iyon.
like