One day I was happy. The next day, I'm sad. Ganito na lang ba palagi ang buhay ko? Yung tipong bibigyan ako ng pagkakataong sumaya tapos kapag nasanay na ako ay saka naman dadating ang kalungkutan sa buhay ko. Hindi ko lubos akalain na ito ang magiging takbo ng buhay ko dahil sa mga taong pinagkakatiwalaan ko.
Binigyan ko sila ng tiwala pero sinira lang niya iyon. Hindi ko na alam kung mapapatawad ko pa ba sila at ngumiti sa harapan na para bang walang nangyari.
I just can't.