"Mananatiling na sa iyong tabi, ngayon at hanggang sa susunod na buhay. Patuloy ka'ng mamahalin ng palihim, para sa ating pagkakaibigan."
Bianna Faye Andres, simpleng babae na tutok sa kanyang pag-aaral, ang nai-iba sa kan'yang mga ka-edad, tahimik at matiwasay na araw-araw ang kan'yang nais sa buhay. Ngunit nag-bago ang lahat simula noong makilala niya ang nag iisang lalaki na gulo, pakikipag-away at pagbabarkada ang araw-araw na ginagawa sa buhay, si Meldwin Jace Cales na kan'yang naging kaibigan.
Ngunit nag-bago ang lahat sa pagkatao ni Faye, na mismong sarili ay hindi na niya kilala. Nakaramdam siya ng kakaiba para sa kan'yang natatanging kaibigan subalit hindi niya masabi rito, takot na mawalan ng kaibigan, kaibigan nga lang ba o higit pa?
Hanggang kailan niya ito ililihim? Hanggang kailan siya patagong magmamahal nang higit sa pagka-kaibigan? Handa ba niya isugal ang kanilang pinag-samahan? Higit sa lahat, parehas din ba sila nang nararamdaman sa isa't isa? O siya lamang ang nakakaramdam ng kakaiba?