Hindi inaasahan ni Cj na ang lalaking katabi nya ay makakayang suntukin ang isa sa mga nakakabuwiset na lalaki na kilala sa buong school nila, ang Watters High school, at mas lalong hindi nya inaasahan na aayain siya nitong lumayas ng isang araw para makalimutan ang mga problema nya. Pero nakita na lamang ni Cj ang sarili na nakikipagkamay at pumapayag sa gusto ng kulot na lalaki na nakatayo sa harapan nito.