Bagong writer lang po ako gusto lang po ay basahin niyo ang gawa ko, baka sakaling mahasa po ako at makabuo po ako ng obra isang araw. Ano man pong komento ay pwede basta huwag lang po below the belt na po.
Dumanas ka na ba ng hirap, hirap na kahit pilit mong tinatakasan parang hinahatak ka pabalik. Halina't tunghayan ang buhay ni Icol, na nararanasan naman din talaga ng lahat ng tao. Pero kakaiba lang talaga ang kapalaran para kay Icol, swak na swak dinidikdik na talaga.
I'm PJ Batnig Sebastian, fifteen years old, my hubby is playing basketball and eating. Tilian ang mga classmates kong mga babae at beki, asar naman ang mga lalaki.
Unang araw ng school year, Grade 9 na ako sa pampublikong paaralan. Simula na naman ng pag-aaral, tuksuhan, asaran at pangongopya ko. Lalong dumami ang nagpapacute sa akin, lalong dumami ang pumapasok sa school namin na babae at gusto lahat na classmate ako.
Dumami rin ang mga natatanggap kong mga love letters, sa dami hindi ko na binabasa. Iyan ang pogi problems ko, hindi naman ako kagwapuhan. Marami pa rin ang mas pogi sa akin sa school, at may kaya sa buhay pero iba yata ang karisma ko sa babae.
Malinis lang ako sa katawan, at pinipilit kong maging presentable. Pero kahit ang ano ang isuot ko walang pakialaman ang mga girls, lagi pa rin nila akong pinapansin kahit luma na ang uniform ko.
Ang sarap sa feeling kahit mahirap lang ako marami pa rin ang nakakapansin sa akin. Yun lang marami ang inggit lalo na mga lalaki. Mula ng bata pa ako ganito na ang pagtanggap sa akin ng opposite sex at mga beki. Lumaki nga akong lagi kong kalaro babae at beki bihira lang sa kapwa ko lalaki.
Minsan tuloy parang nagtatanong ako na ang sarili ko kung lalaki pa ba ako? Pero tumitigas pa si jun jun ko. Masarap din napapaligiran ka ng mga babae, alagang alaga ako.